PH delegation sa Macau hair and makeup competition, wagi

November 10, 2018
Philippine Delegation to the 22nd APHCA Olympucs Hair and Makeup Competition
RICKY Reyes and the Philippine Delegation to the 22nd APHCA Olympucs Hair and Makeup Competition.

WE just arrived from Macau to witness the 22nd Asia Pacific Hairdressers & Cosmetologists Association (APHCA) Olympics Hair & Makeup Competition & International CIAM (Creative Image Arts Association for Macau) International Beauty Forum na ginanap sa Broadway Theater ng Galaxy roon.

Nag-champion ang Pilipinas sa Creative Men’s Hair Cut na nakuha ni Ramon Rivera and his model na si Juni Jayson Padilla at Fantasy Bridal Makeup for Ramon Rivera at model nitong si Grace Sasaki Murillo.  Apat na second prize or first runner-up ang napanalunan ng Pilipinas for National Ethnic Bridal Make-Up for Raquel Pangilagan at modelo nitong si Jackie Narit.  First runner-up din si Jayson Hisola at model nitong si Jaye Phili Velizario for Creative Men’s Hair Cut, si Dobluis Engilbert at model na si Kiara Angel Candelaria for Creative Bridal Makeup at si Mario Tacuboy at model na si Mariko Suzuki for Evening Party Makeup.  Tatlo naman ang naiuwi ng Pilipinas bilang second runner-up – si Juniel Doring at model na si Donette Andrea for Commercial Bridal Makeup, Emetrio Barcena Apanejola, Jr. and model Frank Ashly Guzman for Creative Men’s Hair Cut, Stephanie Ilagan and model  GMA talent Ameera Johara sa Evening Party Makeup.  All in all ay sampung trophies ang naiuwi ng delegation ng Pilipinas with two first prize wins, three first runner-ups and five second runner-up awards.

Ang Asia Pacific Hairdressers & Cosmetologists Association (APHCA) ay pinamumunuan ng founder at long-running president, ang beauty czar and philanthropist na si Ricky Reyes na mas kilala as Mader Ricky maging  sa kanyang international counterparts.  Ang 22nd APHCA Olympics Hair & Makeup Competition & CIAM International Beauty Forum for 2018 was hosted by Macau na pinamunuan ni Bennyface Chong.  Ang next competition ay sa Singapore naman gaganapin in 2019 at sa taong 2020 sa Sri Lanka.

Ang mga nag-compete this year ay 18 contries which include the Philippines, Macau, China, Hong Kong, Mongolia, Indonesia, Thailand, South Korea, Japan, Malaysia, Indonesia, Australia, Sri Lanka at iba pa.  Nagmistulang isang beauty competition ang aming nasaksihan dahil sa naggagandahang mga modelo in their respective stunning gowns and make-up who were judged not only sa kanilang hair and make-up kundi maging sa kanilang mga kasuotan na kadalasan ay nakikita at nasasaksihan  lamang sa mga international  fashion shows.

Samantala, mala-superstar ang treatment ng APHCA and CIAM members and supporters kay Mader Ricky na hanggang ngayon ay ayaw pa ring palitan bilang Pangulo  ng Asia-Pacific hairdressers and cosmetologists organization.  Dahil sa pagmamahal at suporta kay Mader Ricky ng iba’t ibang country leaders ng APHCA, bawat isa sa kanila ay nagbigay ng kanilang souvenir gift sa founder at pangulo ng kanilang organisayon na nagsimulang  isang simpleng pangarap lamang ng beauty icon which is now a reality.