6,511

Personal

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 556
Erich Gonzales Erich Gonzales

Ang lakas makahawa ng malulu-tong na halakhak ni Erich Gonzales sa presscon ng Siargao kaya nang sabihin nitong she’s happy at nahanap niya ang kanyang sarili (after her break-up with Daniel Mat-sunaga), naniwala ang press people. Ilang beses nagpakawala ng malutong na halakhak ang aktres.

“Naging personal ang movie na ito sa akin kasi dumating ang project na gusto ko hanapin ang sarili ko. Bago  pa naman dumating ang Siargao nakita ko na ang saili ko, hindi ako lost. Pero mas natulungan ako habang nagsu-shooting kami  at almost three months din kami sa Siargao. Maganda ang pelikula, sana bigyan ng chance ng moviegoers,” sabi ni Erich.

Maraming eksena sa MMFF entry na naka-two-piece si Erich, kita ang kaseksihan, sayang at nakalimutang itanong ang vital stas niya.

Ipinagtanggol ni Jericho Rosales sina Erich at Jasmine Curtis Smith sa pagtu-two-piece. Alangan naman daw hindi mag-swimmsuit ang dalawa, nasa dagat sila at hindi na raw tayo mga bata.

Samantala, may nawala palang camera ang DOP ng Siargao na ginamit sa underwater scene. Hindi na raw nakita ang camera. Mabuti at ‘yung nawalang drone ay ibinalik ng nakapulot kina Direk Paul Soriano.

* * *

Ilu-launch sa December 23 ang second trailer ng All Of You gamit ang second theme song ng MMFF entry na Natapos Tayo na sinulat at kinanta ni Nar Cabico.
    
Bagay na bagay ang theme song sa eksenang nag-aaway ang mga karakter nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay. Magugustuhan din ang song gaya ng Dying Inside na kinanta naman ni Darren Espanto.
    
Anyway, isa sa eksena sa movie ang love scene nina Jennylyn at Derek na napanood ng GF ni Derek ang dahil kasama siya ng aktor sa special screening. Pero hindi mapapanood ni Dennis Trillo dahil hindi pala nito pinapanood ang mga pelikula ni Jennylyn, lalo na itong All Of You  na may love scenes at maraming kissing scenes sina Jennylyn at Derek.
    
Magkaiba man ang paniniwala nina Jennylyn at Derek pagdating sa BF at GF nila, hindi pa rin mawawaglit na malakas ang chemistry nilang dalawa at hindi kataka-taka kung manghihingi ang moviegoers ng kasunod nilang pelikula.

* * *

Kasama si Raymart Santiago sa cast ng Haunted Forest na dumalo sa last presscon ng MMFF at nag-promote ng Regal Multimedia movie. Nangumbinse rin sina Jane Oineza, Jameson Blake, Myrtle Sarrosa, Kelvin Miranda at director Ian Loreños na nag-promote ng nag-iisang horror film sa MMFF at graded B ng CEB.
    
First horror film ito ni Raymart at inaming nahirapan siyang umarteng takot dahil wala siyang kinatatakutan. Tinulungan siya ni Direk Ian kaya nagawa ang eksena at in-enjoy ang shooting.
    
Pinuri rin ni Raymart ang mga batang artista na kasama sa cast dahil professional at dumarating sa set na alam na ang gagawin.
    
Samantala, nag-i-enjoy din si Raymart sa rom-com series ng GMA-7 na My Korean Jagiya. Magaan ang mga eksena at magaan pa ang katrabaho, agad daw naaalis ang inis niya sa trapik dahil pagdating sa set, masaya ang atmosphere. Idagdag pa na mababait ang cast pati ang Korean stars na sina Alexander Lee at Andy Ryu.
    
Pumasok sa cast si Jaclyn Jose ng My Korean Jagiya, hindi pa masyadong na-establish ang karakter niya, pero tiyak na dagdag tuwa ang dala niya.