5,183 guests

Paulo, muntik madismaya sa MMFF

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 559
Paulo Avelino Paulo Avelino

Hindi nag-quote ng amount, pero sabi ni Malou Crisologo, malaki ang nagastos ni Coco Martin sa pagpoprodyus ng Ang Panday.

Mabuti na lang daw at may mga dumarating na endorsements ang aktor at ang natatanggap na talent fee ay nakakatulong para mas mapaganda pa ang 2017 MMFF entry nito.

Wala si Paulo Avelino sa announcement ng eight official entries ng 2017 Metro Manila Film Festival. Sina Celeste Legaspi, Rachel Alejandro at Girlie Rodis na isa sa mga producer ang na-interview at nagpahayag ng tuwa na after four years, mapapanood na rin sa big screen ang Ang Larawan.

Nabasa na lang ang tweet ni Paulo na “MMFF announcement today! Madidismaya ako kapag hindi pumasok ang LARAWAN.”

Hindi natuloy ang pagkadismaya ng aktor dahil napiling isa sa mga entries ang pelikula ng Culturtain Musicat Productions.

Maagap ang Regal Entetainment, may mall tour agad ang cast ng Haunted Forest this Sunday sa Market Market! Nag-iisang horror entry sa MMFF ang movie sa direction ni Ian Lorenos. Nakakatakot ang teaser nito, lalo na ang pelikula.
    
Sabi ni Atty. Joji Alonso ng Quantum Films, more mature ang All Of You nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay. Maraming kissing scenes ang dalawa sa movie na ang theme song na Dying Inside to Hold You ay kinanta ni Darren Espanto.
    
Comedy/action/fantasy ang Gandarrapido! The Revenger Squad ng Star Cinema at Viva Films. Sa direction ni Bb. Joyce Bernal, fourth MMFF movie na ito ni Vice Ganda.
    
Trailer palang, nakakatuwa na ang Deadma Walking ng Trex Productions at bida sina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman. Nangako ng full cooperation ang dalawa sa promo ng movie na winner sa 2016 Palanca ang script.
    
Present si Director Paul Soriano sa announcement ng entries sa 2017 MMFF, “cool” at “awesome” raw na napili ang movie niyang Siargao after third attempt.
    
Aliw si Director Chris Martinez sa sinabing ang Meant To Beh ang pinaka-wholesome movie na nagawa niya. Panlaban ng movie ang chemistry nina Vic Sotto at Dawn Zulueta at ang first time na gumawa ng comedy si Dawn.
    
Magsisimula ang 2017 MMFF sa Parade of Stars sa December 23 sa Muntinlupa City. Sa Dec. 27 naman ang awards nite sa Kia Theater.

* * *

Kabilang ang tambalan nina Miggy Tolentino at Shaira Mae dela Cruz sa cast ng Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies na showing sa November 22. Una silang pinagtambal sa Trops, tinanggap ng fans at heto, may movie na ang dalawa.
    
Sabi ni Shaira, single si Miggy, pero hindi niya masagot ng diretso kung single siya, kahit ganu’n, feeling namin, may chance pa ring maging successful ang loveteam nila.
    
Si Shaira ay si Cath sa movie at si Miggy ay si Will, kung paano sila na-involved kina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros, panoorin ang Trip Ubusan.
    
Thankful si Shaira na kahit wala na siya sa TV5 at wala siyang manager at siya ang diretsong nakikipag-usap sa kumukuha sa kanya, tuluy-tuloy pa rin ang trabaho niya.
    
Para sa pamilya niya ang sipag nito at para mas makatipid, wala siyang driver at walang PA. Siya mismo ang nagda-drive at lola niya ang kasama sa shooting, taping at sa mga showbis lakad.

* * *

Naimbitahan kami sa katatapos na GMA Artist Center Grand Fans Day na ginawa sa Music Museum. Kaya madalas ang pa-fans day ng GMAAC dahil hindi lahat ng talents nila ay pinapupunta sa fans day, batch by batch yata ang ginagawa nila na mas maganda dahil nabibigyan ng focus ang bawat artists.
    
Sa Grand Fans Day last Friday, sina Alden Richards at Glaiza de Castro ang nanguna. Kasama sina Mikoy Morales, Nar Cabico, TOP, One Up, Boobsie, Mike Quintos, Kate Valdez, Sofia Pablo at Jason Abalos.
    
Ang kaigihan din na sa Music Museum ginagawa ang fans day ng GMA Artist Center ay nalalapitan ang fans ng mga artista at mas may interaction sila sa mga paborito nilang Kapuso stars.
    
May kantahan, sayawan, games at may pa-selfie pa ang fans sa GMA AC talents at may giveaways.

* * *      

Ang GMA’s 2017 Christmas station ID ang banner sa November issue ng Kapuso magazine na labas na ngayon. Featured sa issue si Sen. Manny Pacquiao at ang once a month Sunday evening drama na Stories for the Soul. Presenter si Sen. Manny ng show na nag-pilot noong October 29. Ang next episode ay airing sa Nov. 26.
    
Mababasa sa Kapuso Abroad ang pagbisita ng FYLPro Delegates at ang show ni Megan Young sa USA. Sa Citizen Kapuso, featured ang GMA Kapuso Foundation’s first bridge in Camsur at ang fund raising efforts for Rebuild Marawi project.