6,902

Pauleen at Vic, panay ang awra sa Wimbledon

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 251

LASAP na lasap agad ni Pauleen Luna-Sotto ang Wimbledon experience nang pumunta sila roon ng asawang si Vic Sotto kasama ang Eat Bulaga boss na si Tony Tuviera at ang kanyang pamilya. Personal na masasaksihan ni Poleng ang live tournament ng sikat na tennis players sa buong mundo.

Awra-awra agad si Poleng sa malawak na tennis stadium na pinost niya sa kanyang Instagram.

“My first Wimbledon experience . NW: @djokermore VS @keinishikori #wimbledon20218.”

Sa isang foto, magkasama naman sila ni Vic habang nasa likod nila ang ilang pictures ng mga kaganapan sa Wimbledon.

Kasama rin nilang lumipad sa London, UK ang Eat Bulaga creative head na si Jenny Ferre.

* * *

NAGLILIWALIW ngayon ang lovers na sina Megan Young at Mikael Daez sa Paris.

Rampa-rampa agad sila sa ilang scenic spots sa tinaguriang City of Love gaya ng Eiffel Tower, Louvre Museum, Jarin Du Pais at Atelier des Lumieres na naka-post sa kanilang Instagran.

Travel buddies sina Megan at Mikael kaya saan man sila magpunta at ano man ang kainin ay swak na swak sila.

Time out muna ang dalawa sa regular series nilang The Stepdaughters.

Kasama nilang bumiyahe ang mga kapatid ni Mikael.

* * *

LEVEL up na ang isa sa 2nd Eddys best supporting actress na si Chai Fonacier dahil bidang-bida na siya sa pelikulang Pinay Beauty, isa sa official entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2.

Yes, si Chai ang pinagkatiwalaan ng Quantum Films para isabuhay sa screen ang pangarap ng karamihan sa mga Pinay na gustong magmukhang Caucasian, huh! ’Yun bang gumagamit ng kung anu-anong bagay o gamot para lang pumuti at kuminis ang kutis.

Ang bongga sa pelikula, dahil ka-join si Edgar Allan Guzman, na magaling ding umarte, huh! Nasa cast din sina Maxine Medina at Nico Antonio.