Pasko nag-umpisa na sa 'Showtime'

October 28, 2018
Thumbnail
Vice Ganda

NAG-UMPISA nang maramdaman ang Pasko sa “It’s Showtime” nitong Sabado.

Nabigla ang isang tricycle driver nang biglang sumakay sa kanya si Vice Ganda.

Tinanong siya agad ni Vice kung ano ang gusto niyang regalo para sa mga mahal niya sa buhay. Kahit nabigla, nabanggit ng tricycle driver syempre na ang gusto niya,y mareregaluhan ang asawa ng isang rubber shoes para makasabay sa pagtakbo-takbo tuwing umaga.

Isinunod ang bike para sa anak niyang lalaki at laruan para sa anak na babae.

Sabi ni Vice: “Ireregalo ko na sayo ang motor para magtuluy-tuloy ang asenso mo sa buhay.”

Hindi nagtapos doon ang pakikipag-usap ni Vice sa tricycle driver. Ipina-diretso rin niya sa loob ng studio at sa mismong “It’s Showtime.”  Hindi makapaniwala ang tricycle driver nakasama pa niya ang mga host na napapanood ng mga tao sa buong mundo.

Hindi naman nagpatalo sina Vhong Navarro at si Jhong Hilario sa portion nilang Tawag ng Tanghalan.

Sa unang contestant na babae sa TNT, nag-alok sila ng kaunting regalo na dinagdagan ng iba pang hurados, tulad nina Karylle, Jaya, K Brosas, Mitoy, Erik Santos, at Rey Valera.

Tagahugas ng plastic bottles ang contestant kasama ang kanyang asawa. Dinadala pa nila sa trabaho ang anak na tatlong gulang pa lamang dahil walang mag-aalaga sa kanya. Hindi man siya nanalo sa TNT, panalo na rin siya dahil sa tulong ng ‘Showtime’ hosts and judges.