5,631

Pasabog na pahayag ni Diego sa hubo’t hubad na litrato, inaabangan ng press!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 1270

Hinihintay na ng press people ang presscon ng Regal Entertainment movie na Mama’s Girl na showing sa
January 17 para ma-interview si Diego Loyzaga. 

Nagpasabog kasi ang aktor sa simula ng 2018 nang mag-post nang hubo’t hubad niyang picture sa
IG story.
    
Kaya lang, ilang sandal lang napanood ang picture, dinelete agad ni Diego, pero may nakapag-
screenshot, pinost sa Internet at kanya-kanya na ng comment ang netizens.
    
Gustong malaman ng mga reporter kung si Diego ba talaga ’yun at kung siya nga, bakit niya
ginawa kung ide-delete rin lang.
    
Ang tanong: Dumating kaya si Diego sa presscon?
    
Saka, unfair sa Regal ang comment ng iba na ginawa ni Diego ’yun to promote Mama’s Girl.
    
Wholesome ang movie kung saan bida sina Sylvia Sanchez at Sofia Andres, kaya hindi kailangang
mag-post ni Diego ng nude photo niya.   
    
Anyway, after ng trailer, ang poster ng movie ang ni-launch ng Regal kahapon at sa poster,
mukha lang nina Sylvia at Sofia na gumaganap na mag-ina ang nakalagay.
    
Above the title ang mga pangalan nina Sofia, Diego at Jameson Blake.
    
Si Connie S. A. Macatuno ang director ng movie na parang pang-Mother’s Day presentation.