6,774

Pasabog

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 1120
Rhian Ramos Rhian Ramos

Ito ’yung picture ni Rhian Ramos na kasama sa publicity photos ng The One That Got Away na naging isyu dahil sa paniwalang wala siyang underwear. Open sa both sides ang dress at makikita kung may panty siya o wala.

Sa presscon ng sexy rom-com, tinanong namin si Rhian kung may panty nga ba siya o wala? Sagot nito, may panty siya, mataas lang kaya hindi nakita.

Kayo readers ang magsabi kung may underwear ba o wala si Rhian sa suot niyang ito?

Anyway, napanood namin ang pilot episode ng TOTGA sa special screening arranged by GMA-7. Bongga ang suot ni Rhian mula sa first scene niya hanggang ending ng pilot episode. Labas nang labas ng legs si Rhian sa mga suot niya at may pasabog siyang suot na ipagre-react ng viewers.

Maganda ang dating ng TOTGA, glossy, maganda ang ilaw courtesy of the show’s DOP na si Apollo Anao, beautiful ang cast at ’pag nasa isang frame ang three girls, ’di mo alam kung sino ang titingnan.

Dagdag ganda sa show ang songs na isasama sa OST na kabibilangan ng theme song na Gaga na sinulat at kinanta ni Nar Cabico.

Samantala, may mall show sina Rhian, Max Collins, Lovi Poe at Dennis Trillo sa Robinsons Novaliches. Kasama rin sina Ervic Vijandre, Ayra Mariano, Migo Adecer, Ivan Dorschner, Dea Formilleza at Nar Cabico.

* * *   

Naintriga kami sa post ni Mark Bautista sa Instagram (IG) na tungkol sa iri-release niyang  tell-all book na Beyond the Mark. First post ni Mark ang “SO HELP,” second post, “ME,” at third post ay “GOD.” Ang ibig sabihin ay “So Help Me God.”
    
Naka-post din ang intro yata sa book na, “I have a story to tell, and no matter what others might think. I’m happy that I can share this with pride (from overcoming my personal struggles), joy (from discovering my life’s purpose), and peace (from finding the true essence of fulfillment). For me, these are life’s great achievements. This has been my journey and my life, so far.”
    
Bakit may tsikang may mga natatakot at namumroblemang celebrity sa paglabas ng libro ni Mark na malapit na malapit na raw? May mga pasabog ba si Mark sa kanyang libro?

* * *

This Sunday, 6:10 p.m., sa GMA-7 ang pilot airing ng Sirkus, ang adventure-filled fantasy/children’s fantasy/family-oriented series sa direction ni Zig Dulay. In-assure ni Direk Zig na 150 percent effect sa show ay mararamdaman at para raw manonood ng movie ang viewers.
       
Tampok sa Sirkus sina Mikoy Morales at Mikee Quintos na gaganap na fraternal twins na sina Miko at Mia. Sa pag-iwas kay La Ora (Cherie Gil), mapapasama sila sa travelling circus and in the process, marami ang madidiskubreng sikreto sa mga bagong kakilala at sa kanilang identities.
      
Mikoy: “I’m overwhelmed and never been this excited. I’m just really, really excited na makita n’yo ang show na made of love and passion.”
    
Mikee: “Nakaka-high tech ang project na ito. Thankful ako nang malamang si Mikoy makaka-partner ko dahil close kami. Hindi na namin kailangang mag-bonding dahil close na kami.
    
Natuwa at kinilig sina Mikoy at Mikee sa narinig na sinabi ni Cherie Gil na magaling sila at enjoy siyang panoorin silang dalawa dahil sa good chemistry.
    
“Sa first scene namin with her, intimidated kami dahil kilala siyang magaling na aktres. Sa workshop namin kay Yani (Yuzon), sabi niya, just be cool at maging totoo lang kami. Lalo kaming excited to work with her sa mga sinabi niya,” sabi ni Mikee.