6,296

Parents ni Billy, ’di dadalo sa kasal nila ni Coleen sa Balesin

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 716

SA Balesin Island nakatakdang ikasal ang engaged couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia sa susunod na buwan. Bukod dito, wala pang sini-share na detalye ng petsa at wedding entourage ang ikakasal.

Sa Balesin Island din ikinasal sina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista nung February 15, 2015.

Ang pinsan ni Coleen na si Ria Atayde  ang tatayong maid of honor sa kasal nina Billy at Coleen.  Very much involved din si Ria sa wedding preparations.

Hindi makadadalo sa kasal ang parents ng groom-to-be na naka-base sa Amerika dahil pareho umano itong may sakit. Kaya ang couple ang siyang dadalaw sa parents ni Billy.

Billy is 35 at 25 naman si Coleen.

AGA AT JANICE NAGSAMA ULI DAHIL SA ANAK

SI Aga Muhlach ang ama ng panganay na anak ng actress na si Janice de Belen na si Iggy Boy (Luigi Muhlach), 31, married to Patricia Petil at meron na silang tatlong anak.
    
Aga and Janice were both in their teens nang isilang si Iggy Boy. Kahit nag-alok ng kasal si Aga (na 17 pa lamang noon) kay Janice ay hindi ito tinanggap ng huli dahil pareho pa silang mga bata.  Hindi rin sang-ayon noon ang ama ni Aga na si Cheng Muhlach na makasal ang dalawa.
    
Nagkani-kanyang buhay man noon sina Aga at Janice (after their break-up) ay hindi naman nawala ang kanilang komunikasyon dahil kay Iggy Boy.
    
In 1992, pinakasalan ni Janice ang actor na si John Estrada at nagkaroon sila ng apat na supling – sina Ina, Kaila, Moira at Yuan. Pero after 12 years of marriage ay nagkahiwalay sila nung 2004.  
    
In 2011, muling nag-asawa si John sa dating Miss Earth na si Priscilla Meirelles at meron na silang isang anak, si Sammanta Anechka.
    
Since then ay hindi na muling nag-asawa si Janice.
    
Taong 2001 naman nang mag-asawa si Aga sa dating beauty queen-turned-actress-host na si Charlene Gonzales at meron silang kambal na anak na sina Andres at Atasha.  Sixteen years old pa lamang noon si Aga nang makilala niya si Charlene sa pamamagitan ng “Bagets” co-star niyang si J.C. Bonnin na pinsan ni Charlene.  Muling nagkita sina Aga at Charlene sa 1994 Bb. Pilipinas pageant kung saan isa si Aga sa umupong hurado. Si Charlene naman ang tinanghal na Bb. Pilipinas-Universe.  On same year ay dito sa Pilipinas ginanap ang Miss Universe kung saan ang Miss India ang nanalo habang si Charlene naman ay pumasok sa Top 6 finalists at nakapag-uwi ng Best in National Costume.
    
Bago nag-asawa si Aga kay Charlene ay kilala rin ito sa pagiging ladies’ man.  Bukod kay Janice, na-link din noon ang actor kina Melissa Fernandez, Agot Isidro, ang Puerto Rican at  dating Miss Universe na si Dayanara Torres (na kamuntik din niyang pakasalan), Pops Fernandez, Aiko Melendez, Mikee Cojuangco at Gretchen Barretto.
    
Nagparamdam din noon si Aga kay Lea Salonga pero hindi naging sila.
    
At 48, mukhang tinalikuran na ni Aga ang pagiging chickboy at isa na siya ngayong  responsible husband (to Charlene) at father to Luigi and twins na sina Andres at Atasha and young  grandfather sa kanyang tatlong apo (kay Luigi).
    
Speaking of Aga and Janice, magkasamang dumalo ang dalawa sa opening ng bagong restaurant ng kanilang panganay na anak na si Chef Luigi, ang LUMU na matatagpuan sa Greenbelt 3 in Makati City. Bukod dito ay may isa pang restaurant si Luigi, ang Amacena na matatagpuan sa One Tagaytay Place Hotel in Tagaytay na binuksan naman in 2016. Proud ang estranged parents sa kanilang anak.

PIOLO DAPAT NANG IPALIT KAY JOHN LLOYD PERMANENTLY

MAHIGIT apat na taon nang nasa ere ang weekly sitcom na “Home Sweetie Home” starring John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga na pinamamahalaan ni Edgar `Bobot’ Mortiz. Pero mahigit limang buwan nang wala sa serye si John Lloyd magmula nang ito’y humingi ng `indefinite leave of absence.’
    
Ang special guesting ni Piolo Pascual sa “Home Sweetie Home” ay na-stretch sa five months kaya marami ang umaasa na sana’y i-reformat na lang ang programa at i-tailor made na ito sa team-up nina Piolo at Tintin na dalawang beses nagtambal sa hit movies ng Star Cinema, ang “Starting Over Again” in 2014 at “Last Night” nung 2017.
    
Hindi klaro kung babalik pa si John Lloyd o hindi sa programa. O sa showbiz for that matter.

MALE CELEBRITY BINUBUHAY PATI PAMILYA NG GF

SOBRANG in-love ang male celebrity na ito sa kanyang showbiz girlfriend at gagawin nito ang lahat (including mga luho nito) para lamang mapaligaya ang kasintahan.  Ang male celebrity na ito na rin umano ang bumubuhay sa pamilya ng girlfriend kaya parang dalawang pamilya ang sinusuportahan nito ngayon.
    
Ang siste,  nababaon sa utang ang male celebrity para lamang masunod ang luho ng girlfriend.
    
Kahit malaki ang kinikita ng male celebrity, mukhang mas malaki ang kanyang gastusin ngayon dahil sa kanyang maluhong girlfriend  kaysa sa kanyang kinikita.
    
Kailan daw kaya magigising sa katotohanan ang male celebrity na ito? Kapag lubog na siya sa pagkakautang dahil lamang sa kanyang girlfriend?

SOFIA HANDA NA

MALAPIT nang i-launch ang bagong single ni Sofia Gonzalez (Romualdez), ang panganay na anak ng singer-actress-turned-mayor of Tacloban na si Mayor Cristine ‘Kring-Kring’ Gonzalez-Romualdez at dating mayor ng Tacloban, ang businessman na si Alfred Romualdez.
    
At 18, Sofia does not only sing kundi isa rin siyang composer at arranger.  Siya ang nag-compose ng bago niyang  single na pinamagatang `Thinkin’ of U”  under Viva Records which she hopes to launch next month. Ang nasabing awitin ay magiging bahagi ng kanyang debut album.
    
While she wants muna to focus sa kanyang singing career, hindi dini-discount ni Sofia ang possibility na pasukin din niya ang pagiging VJ at actress balang araw.