5,944

Pareho nang may-asawa nang magsama

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 669
Gabby Concepcion Gabby Concepcion

KUNG ang naunang drama series ng Kapuso Network na “Someone To Watch Over Me” na tinatampukan nina Tom Rodriguez, Lovi Poe at Max Collins ay nagtalakay sa Alzheimer’s disease, tungkol naman sa sakit na HIV/AIDS ang tema ng bagong magsisimulang serye sa GMA, ang tinaguriang  ‘advocaserye’ na “Hindi Ko Kayang Iwan Ka,” ang huling proyektong nasimulan ng namayapang director na si Maryo J. de los Reyes at ipinagpapatuloy ngayon ni direk Neal del Rosario.

Ang “Hindi Ko Kayang Iwan Ka” ay tinatampukan nina Yasmien Kurdi, Mike Tan, Martin del Rosario at Jackie Rice kasama ang actor-director na si Gina Alajar, Sharmaine Buencamino, Charee Pineda, Mike `Pekto’ Nacua, Catherine Rem, Caprice Cayetano at Sef de la cruz.

First team-up nina Yasmien at Mike ang “Hindi Ko Kayang Iwan Ka” na parehong produkto ng Batch 1 & 2 Seasons ng reality talent search na “Starstruck”.

Pareho nang may asawa sina Yasmien at Mike kaya mas naiintindihan nila ngayon ang role na kanilang ginagampanan sa “Hindi Ko Kayang Iwan  Ka”.  Sa nasabing serye ay masusubukan kung hanggang saan ang pagiging matatag ng kanilang pagsasama matapos ma-diagnose ang character ni Yasmien na si Thea Balagtas na may HIV (Human Immunodeficiency Virus).  Mike plays the role of Marco Angeles.  Pakakasalan ni Marco si Thea sa kabila ng pagka-disgusto ng kanyang ina na ginagampanan naman ni Gina at Adelaida Angeles.

Si Yasmien ay anim na taon nang kasal sa non-showbiz pilot husband niyang si Rey Soldevilla, Jr. at meron na silang isang anak, si Ayessa Zara.

Si Mike naman ay nung January 22, 2018 lamang ikinasal sa kanyang longtime non-showbiz girlfriend na hanggang ngayon ay ayaw niyang i-reveal ang pangalan.

Although matagal nang magkaibigan at parehong  nasa bakuran  ng GMA Network sina Yasmien at Mike, ngayon lamang sila nagkasama sa isang TV series.

SHARON AT GABBY PANAHON NA PARA MAGSAMA MULI SA PELIKULA

TAONG1992 pa ang huling pelikulang pinagtambalan ng estranged couple na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa pamamagitan ng pelikulang “Tayong Dalawa” na dinirek ni Laurice Guillen under Viva Films.
    
Unang nagtambal ang ex-couple in 1981 sa hit movie na “Dear Heart” na dinirek ni Danny Zialcita under Sining Silangan.  Dahil dito, nag-collaborate  ang yumaong ama ni Sharon na si dating Pasay City Mayor Pablo Cuneta at Boss Vic del Rosario ng Viva para i-produce ang pelikulang “P.S. I Love You”na muling pinagtambalan nina Sharon at Gabby which was also released in 1981. Nagkaroon na sila ng relasyon pero nagkaroon ng short break up.  Sinundan ito ng “My Only Love”  at “Dapat Ka Bang Mahalin” in 1982. Nagre-reconcile muli sina Sharon at Gabby. Pero pagkatapos ng ilang pelikula, nagkaroon na sila final break-up in 1984, ang “Sa Hirap at Ginhawa” in 1984, “Una Kang Naging Akin” in 1991 at ang huli nilang tambalan in 1992, ang “Tayong Dalawa” na dinirek ni Laurice Guillen for Viva Films.
    
Gabby proposed to Sharon in July 1984 sa backstage ng Araneta Coliseum kung saan may concert ang Megastar, ang “Sharon Solo with the Boys” na sinundan ng kanilang secret civil wedding.  In September 23, 1984 ay isang grand wedding ang ginanap sa Manila Cathedral  in Intramuros.  Nung April 7, 1985 ay isinilang naman ang kanilang anak na si Maria Kristina Cassandra  na mas kilala sa screen name  na  KC Concepcion, now 32 years old.
    
Tumagal lamang ang pagsasama ng dating mag-asawa ng barely three years at nagkahiwalay sila in 1987 when KC was about two years old.
    
Dapat sana’y muling magtatambal sina Sharon and Gabby sa isang movie last year (2017) na ipu-produce ng Star Cinema to be directed by Cathy Garcia  Molina pero hindi ito natuloy dahil sa tight schedule ni Gabby sa pagti-taping ng kanyang top-rating afternoon TV series sa GMA,  ang “Ika-6 na Utos” opposite Sunshine Dizon and Ryza Cenon na pinamahalaan ni Laurice Guillen na siya ring nagdirek ng last movie nina Sharon at Gabby in 1992, ang “Tayong Dalawa”.
    
Kung na-frustrate si Sharon maging ang mga fans nila ni Gabby dahil sa hindi pagkakatuloy ng kanilang reunion movie, naging maagap naman ang McDonald’s na kunin ang dating mag-asawa para sa kanilang pre and post Valentine ad. Kumbaga sa pelikula, naging box office hit ito sa unang araw pa lamang ng airing last February 9 dahil agad itong nagtala ng mahigit 3-M views.
    
Dahil mainit na pinag-uusapan ngayon ang first-team up nina Sharon at Gabby sa TVC ng McDonald’s, hindi marahil papayag ang Star Cinema na hindi matuloy ang reunion movie project ng dating mag-asawa.  Hindi rin siguro magpapabaya ang big boss ng Viva Films na si Boss Vic del Rosario na siyang nag-produce ng halos lahat ng pelikulang pinagtambalan noon nina Sharon at Gabby.  Puwede ring magka-interes ang Regal Films kung saan nagsimula si Gabby matapos siyang mapanood sa kanyang Close Up toothpaste commercial in 1980.

BELA AT JC MAY SOMETHING IN COMMON

ANG lead stars ng hit movie na “100 Tula Para Kay Estela” na sina Bela Padilla at JC Santos ay may something in common bukod sa kanilang pagiging singer-actor, pareho na silang hiwalay sa kanilang respective partners – si Bela sa kanyang longtime business-movie producer boyfriend na si Neil Arce at si JC naman sa kanyang longtime girlfriend na si Teetin Villanueva.  Pareho ring tumagal ng apat na taon ang relasyon nila sa kanilang mga ex partner.
    
While JC is not in good terms yet  with his ex-girfriend na si Teetin, kabaliktaran naman si Bela dahil nanatiling magkaibigan pa rin sila hanggang ngayon ng kanyang ex-boyfriend na si Neil na nobyo na ngayon ng aktres na si Angel Locsin.
    
January 2017 nang aminin ni Bela na break na sila ni Neil at January 2018 naman nang umamin si JC na wala na sila ng kanyang girlfriend na si Teentin.
    
More than finding their new loves, mas focused ngayon sina Bela at JC sa kanilang respective careers.
    
Pinasok na ni Bela ang pagsusulat ng script habang si JC ay isa nang recording artist ngayon ng Star Music.
    
Kung kami ang tatanungin, mukhang sila ang bagay sa isa't isa.

ALDUB HUMIHINA NA ANG ENDORSING POWER?

HANGGANG ngayon ay hopeful pa rin ang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza na hindi basta-basta mabubuwag ang loveteam ng dalawa.
    
Last Saturday ay muling nabuhayan ng loob ang AlDub Nation nang  magsama sina Alden at Maine sa isang segment ng “Eat Bulaga”.
    
Kung dati-rati’y dominado nina Alden at Maine ang maraming television ads, ngayon ay paisa-isa na lamang ang kanilang TV commercial.