Paolo natutuwa pero natatakot sa pagbibida

November 03, 2018
Paolo Contis and Alessandra De Rossi
Paolo Contis and Alessandra De Rossi

FORMER child actor Paolo Contis has reason to rejoice at mangamba. Hindi niya inakalang after so many years in the movie industry and doing supporting roles as comedian ay saka siya magiging bida at leading man ni Alessandra de Rossi in the Viva movie, "Through Night and Day." “Never akong nag-ilusyon na maging bida,” he quipped during the presscon for the movie na ginanap sa La Reve in Quezon City.

Paolo and Alessandra have worked together in some projects kaya't gamay na nila ang isa’t isa. And they are close friends. It was megged by Veronica Velasco who succeeded na palutangin ang galing ng dalawa sa pag-arte.

"Through Night and Day" is a two character movie and with the success of  the movies, "Kita Kita" and "Sid and Aya," pinatunayang may captive market ang ganitong uri ng  pelikula. This should lessen Paolo's fear.

The movie which brought the lead actors sa Iceland is directed by a woman which Paolo describes as one full of energy. “Ibang magdirek ang babae. Marami siyang (Ronnie Velasco) pinaghuhugutan. I am simply amazed at gusto ko siyang makatrabahong muli,” ani Paolo.

It may sound like a cliché kapag lagi nilang sinasabi na everyone can relate with the movie. Well, sige na nga, kasi it is about relationship.

Pahabol pa nina Paolo at Allesandra:  "We did our best to make it an enjoyable and hearwarming movie and we give the assurance na hindi kayo mabibigo. Sulit po ang ibabayad ninyo sa panonood.”