5,073 guests

Paolo, legit ang paghihirap kay ‘Barbi’

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 272
Paolo  Ballesteros Paolo Ballesteros

KAKAIBANG Paolo Ballesteros ang mapapanood sa pelikulang Barbi D’ Wonder Beki na ipapalabas sa Nov. 29 mula sa OctoArts, M-Zet at T-Rex Entertainment. Malayung-malayo raw ito sa character ni Trisha na ginampanan ni Paolo sa critically-acclaimed na Die Beautiful na ipinalabas noong 2016 Metro Manila Film  Festival.

“Do’n kasi sa Die Beautiful, si Trisha, more of natural make up lang ’yung ginawa ko, so kahit ano’ng gawin ko, ganoon pa rin ’yung mukha ko.

“’Pag nag-make up kasi ako, in fairness, lipstick pa lang maganda na, eh… walang ano ’yon, ha. Pero dito sa Barbi, kailangang effortan mo,” simulang kuwento ni Paolo sa presscon ng Barbi D’ Wonder Beki.

Patuloy ng aktor, “Nag-isip ako kung paano siya iibahin. Iniba ko talaga ang kilay ko. Pinalaki ko ang mga mata ko. Mas mahirap siya dahil marami akong ginagawa rito kasi parang full make up na ang ginagawa ko.

“Tapos wala akong personal assistant at wala rin akong driver. Tatlo ring pelikula ang pinagsasabay kong gawin at ako rin ang nagme-make-up kaya talagang madugo… ito talaga ’yung legit na pinaghirapan.”

Base pa sa kuwento ni Paolo, nagulat siya nang malaman na makakasama rin niya sa pelikula si Joey.
    
“Nu’ng una, hindi ko alam kung kasama ba siya, pero I’m sure, kahit hindi siya kasama, pipilitin ko siya. Pero kung sabihin na iba ’yung Barbi na isasama, hindi ako papayag din. Kasi hindi naman mabubuo ’yung Barbi kung wala siya, eh,” katwiran ng aktor.
      
Bukod kay Joey, kasama rin ni Paolo ang dalawa pang mahuhusay na komedyanteng sina Joey Marquez at Smokey Manoloto sa Barbi.
    
“Para ngang hindi totoo, eh. I mean,  yes, nagkaroon  ako ng Die Beautiful last year,  tapos nu’ng papunta nga ako dito habang nagda-drive ako sa EDSA, parang naiisip ko, dati ilang years na ako sa showbiz, dati parang binabyahe ko lang ’yon papunta ng Cubao, Makati para mag-VTR sa commercials.
      
“Tapos ngayon, papunta ako sa presscon ng movie ko. Eh, parang hindi pa nga umaano (nagsi-sink in) sa isip ko ’yung last year, eh, tapos ngayon ’eto… hindi ko pa rin maipaliwanag ’yung nararamdaman ko,” sambit pa niya.
      
Pressured ba siya sa Barbi D’ Wonder Beki?
      
“Oo. Sobra. Talaga ang pressure kasi siya (Joey) ’yung original, ’di ba?,” pag-amin ni Paolo.
    
Samantala, sa mismong grand presscon ng Barbi D’ Wonder Beki ay nakaayos si Paolo na parang manika. Natagalan nang konti bago siya nakaharap sa entertainment media dahil kinailangan pang mag-make-up ng halos dalawang  oras.
    
“Eh, ganu’n talaga. Para naman makita n’yo nang personal si Barbi. Ha-ha-ha! Effort kung effort ’di ba?,” sambit niya na natatawa.