Panukalang pagbabago sa last line ng Pambansang Awit, pinuna

September 22, 2018

MARAMI ang nag-react negatively sa panukala ni Senate President Tito Sotto na baguhin ang last line ng Pambansang Awit ng Pilipinas.

Ayon kay Tito Sen, dapat daw gawin itong 'Ang lumaban para sa kalayaan mo' sa halip na 'Ang mamatay nang dahil sa 'yo.'

Kilalang composer at lyricist si Tito Sen, pero ayon sa isang historian, dapat daw na igalang ang ginawa ni Julian Felipe.

Bahagi na raw ito ng kasaysayan at 'di na dapat baguhin pa. Kumbaga, sagrado ang Lupang Hinirang at tulad ng opinyon ng NCCA, di rin dapat binabago ang tono nito. Kung maatandaan, nakatanggap ng puna ang ilang kumanta nito sa mga laban ng Pambansang Kamao, Manny Pacquiao na ginawang either pop o ballad. Ang Pambansang Awit ng Pilipinas is meant to be a marching song.

Ano sa palagay n'yo?

Tagged Under