4,842 guests

Pang-iintriga sa ‘Larawan,’ sinagot ni Rachel

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 176

BUMAKAS din si Rachel Alejandro bilang producer sa festival movie na Ang Larawan bukod sa pagganap
niya sa character ni Paula. Base ito sa obra ni Nick Joaquin na Portrait of An Artist As A Filipino,
music ni Ryan Cayabyab at direksyon ni Loy Arcenas.

Parang suspense nga ang pagkakapili sa pelikula dahil semplang ito nang isinumite ang script
kaya hindi pumasa sa first four entries na unang inilabas.
    
Then, sa announcement ng Final 4, ang Larawan ang pang-walong kalahok na inanunsyo.
      
“Double time kami ngayon sa promotions. It’s our first time to venture into film production
kaya parang learning experience talaga. Parang on the job training. Ganu’n pala! Mahirap pala, hahaha!
      
“Mahirap na masaya kasi nu’ng makapasok kami sa MMFF, parang answered prayer. Parang ’yung
Christmas wish namin, talagang natupad!” pahayag ni Rachel bago ang press screening.
      
May intriga man na hindi pang-filmfest ang entry nila, rason ng singer-actress, “Definitely,
naiiba siya sa lahat. Una sa lahat, siya lang ang tanging musical. Hindi naman ganoon karami ang
nagpu-produce ng pelikulang musical.
    
“In that sense, excited kami na makita kung ano ang reaksyon ng mga Pilipino. So far, ang
nakita lang namin na reaksyon ay sa Japan. Sa half-Japanese at sa San Francisco, sa mga Fil-Am.
    
“And ’yung iba, iyak talaga sila nang iyak. They love it dahil sobrang nadala sila ng
emosyon. Kahit mga Japanese na hindi masyadong mahilig sa musical, sobrang na-gets nila kaya sobrang
nakakataba ng puso.
    
“Kaya medyo nagkaroon kami ng konting kumpiyansa dahil sila nga, walang masyadong background
tungkol sa kuwento ng Larawan or about Intramuros and all that, lalo na siguro ang kapwa Pinoy,” rason
niya.
    
Hindi naman kasi todo musical ang mapapanood sa movie. Sinamahan din ito ng dayalog kaya hindi
straight kantahan ang maririnig sa kabuuan ng pelikula.
    
Ang isang bentahe ng pelikula ay ang music ni Ryan kasama ang Philharmonic Orchestra.
    
“Nakakakilabot kapag narinig ninyo,” saad niya.
    
Kumusta naman si Paulo Avelino na kasama nila sa movie?
    
“He’s very good. Talagang pinag-aralan niya ang role niya. Talagang nagra-run through kami.
Nag-voice lessons din siya kaya, kumbaga, wala akong masabi sa kanya. Talagang pinagbiyan niya ng
panahon,” bulalas ni Rachel.
    
Base sa reakyson ng mga nakapanood, nakipagsabayan siya sa co-star na si Joanna Ampil,
nakilala sa galing sa Miss Saigon.         
    
Hindi nga lang makakaabot si Joanna sa Parade of Stars at iba pang promotions dahil may tour
ang musical na kinabibilangan niya, ang Cats, sa China.
    
“Sa awards lang siya makakarating. Once mapanood ninyo, malalaman ninyo kung bakit siya
tinaguriang ‘West End Superstar,’” pagmamalaki ni Rachel.