Pananakit kay Janella, hindi fake news

September 23, 2018

Deleted na ang sagot ni Jenine Desiderio sa netizen na nagsabing naawa siya sa taong pinaghinalaang nanakit kay Janella Salvador. Sabi ng netizen, fake news ang lumabas na balita dahil hindi kayang saktan ng taong ’yun si Janella dahil mahal na mahal niya ang aktres.

Janella Salvador
Janella Salvador

Sagot ni Jenine, “OH PLEASE!!! It’s NOT FAKE NEWS!!!” at sinundan ng “Stop all this cover up & denials. Managot ang dapat managot. Physical injury is a serious matter. # NOtophysicalviolence #NOtomenwhophysically-abusewomen.”

Pinost kasi ni Julia Barretto sa Instagram (IG) ang right arm ni Janella na nangitim at halatang hinawakan ng madiin.

Nag-tweet din si Janella ng “I think everyone deserves someone who does not hurt them regardless if they’re drunk or not. Men who are raised properly are never supposed to hurt women no matter what.:).”