7,693 guests

Panalo ni Winwyn at iba pa, pressure kay Mariel?

  • Written by Joey Aquino
  • Published in Showbiz
  • Read: 267

NGAYONG November 14 na ang coronation night ng Miss International 2017.

Kaya hataw na ang ating Philippine bet na si Mariel De Leon. At mukhang doble ang pressure sa kanya dahil sa sunud-sunod na panalo ng mga Pinay beauty queen sa mga international beauty pageant. Nitong November 4, itinanghal na Miss Earth 2017 si Karen Ibasco; habang kinoronahan naman si Winwyn Marquez bilang Reina Hispanoamericana 2017. First time na sumali ang Pilipinas sa nabanggit na pageant at bukod dito, siya rin ang kauna-unahang Asian beauty kaya monumental ang panalong ito ni Winwyn.

Sa totoo lang, mahirap ang sitwasyon ni Mariel ngayon. Dahil hindi pa nagkaroon ng back-to-back win ang Pinas sa buong history ng Miss International. Sabi ng iba, suntok sa buwan na masungkit ni Mariel ang korona. Pero gaya ng kanyang pagiging vocal sa mga kontrobersyal na isyu, fighter ang anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong. Kaya siguradong one hundred percent ang ibibigay niya para manalo.

Will Mariel be the 7th Pinay to be crowned Miss International 2017? Just asking...

COASTAL COVE BEACH RESORT, AURORA'S WONDER

BIHIRA lang kaming ma-impress sa ating mga local  beach resort.
    
Kaya naman 'di namin mapapalampas na i-share ang magandang impression ng Coastal Cove Resort sa Aurora. Picture-perfect ang tanawin sa resort na napapalibutan ng bundok. Matatagpuan ito sa Barangay Butas na Bato sa Dingalan, Aurora.
    
Affordable ang room accommodation nito na swak na swak sa budget. Isa sa ipinagmamalaki nito ay ang view deck na kasya ang sampung tao. Sa baba, nandoon ang kainan at pwedeng magluto. Sa taas, nadoon ang room at tambayan na may duyan pa. Perfect para sa viewing ng sunset. Siyempre, may beach-front room accommodation. At ang mga bahay kubo na very relaxing na pwedeng pagpilian.
    
Bukod sa standard amenities nito na makikita rin sa ibang beach resort, ang malinis na comfort rooms nito ang talagang nagpahanga sa amin dahil bihira sa mga resort ang nakapagme-maintain ng malinis na comfort room.
    
For first-hand experience, please call up Coastal Cove Beach Resort at 0917-571-0313 and visit www.coastalcoveresort.com. Will we see you there? Just asking…