6,309

Panalo!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 1355

Maine at Alden, nagpa-picture sa kotse na may plakang ‘I Love U’

NAGLILIWALIW ngayon sa Hong Kong ang ilang Eat Bulaga Dabarkads. Absent sina Jose Manalo (na nasa bakasyon sa ibang bansa) at Wally Bayola.

Nu’ng Lunes lang sumunod sa HK si Alden Richards.
    
Si Ryzza Mae Dizon ang lumabas na taga-update sa fans nila kung ano ang nagaganap sa dalawa sa Hong Kong.
    
Siyempre, tutok ang AlDub Nation sa escapades ng mga idolo nila. Panalo sa kanila ’yung Instagram post ni Pauleen Luna-Sotto nang kunan silang magkasama sa isang mamahaling kotse na kulay apple green.
    
Napansin agad ng fans ang plate number ng car. “I Love U” ang nakalagay rito sa halip na numbers.
    
Kantiyaw ni Poleng, “I love you? @mainedcm @aldenrichards2”
    
Komento ng isa niyang follower, “The best ka, Poleng!”

* * *

NAMAYANI ang Kapampangan beauty na si Mary Ann Mungcal sa 22 candidates na naglaban-laban para sa title na Miss Global Philippines 2017 na ginanap last Saturday sa Resorts World Hotel.
    
Siya ang panlaban ng bansa sa darating na International Miss Global pageant na gaganapin sa Cambodia sa October.
    
Humarap sa press si Mary Ann kasama ang runners-up ng Miss Global Ph sa West Avenue Suites last Monday.
    
Siya ang pinakabatang winner at ito ang unang national title na nakamit niya.
    
Tubong-Arayat, Pampanga si Mary Ann at mahilig sa modeling. Hindi pa raw siya handang pasukin ang pag-aartista.
    
Nais niyang isakatuparan ang adbokasiya niyang bigyan ng pagkain, damit at gamot ang malnourished at street children.
    
Batid daw niyang ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan.
    
“If they will be given the chance to have a good foundation in life, they will be able to to let their inner beauty shine through, and make the country proud in the future,” pahayag ni Mary Ann.
    
Ang koronasyon ng Miss Global Philippines 2017 ay mapapanood nang delayed telecast sa July 9 sa GMA Network.
    
Mula ito sa PSL Entertainment Production na pinamumunuan ng national pageant director na si Pauline Laping kasama ang founder ng Miss Global Tourism Philippines Foundation na si Rizza Lao.