Panalo

September 19, 2018
Marian Rivera

Marian, daig ang best actress

Panalo ang hashtag ni Marian Rivera sa post niya ng kan-yang litrato na tuwang-tuwa sa pagkakapanalo ni Zia ng Best In Costume sa anniversary celebration ng pinapasukan nitong school. 

Hawak ang certificate na may nakasulat na Best In Costume, sabi ni Marian, “Hard work and team effort paid off! Proud of you Z! #MasExcitedPaAko KesaSa  AnakKo  #PagbigyanNyoNaAngNanay #ParangAko AngNagkaAward.” 

Nag-comment si Dingdong Dantes ng “Gujab Mama”  at kasama ang aktor sa kinongratulate dahil siya ang photographer ni Zia at si Marian naman ang nag-ayos kay Zia na ala-Marilyn Monroe. 

Ang ganda-ganda ni Zia sa Marilyn Monroe ayos with platinum blonde hair and mole sa left cheek.

’Katuwang basahin ang comments sa Instagram (IG) nina Marian at Dingdong at sa comment ni Sheena Halili na “Mas masaya pa sa best actress award, saya-saya naman.” 

Sagot ni Marian, “@mysheenahalili  di ba? Iba pag anak na usapan! Lahat gagawin...” 

Aliw din basahin ang comments sa IG ni Dingdong, gaya sa comment ni Joross Gamboa na, “Ay grabe naman yan!!! pwede na ba kitang tawaging future balae? @dongdantes?” 

Wala pang reaction si Dingdong sa sinabi ni Joross.

Tagged Under