Pamilya Revilla iba-iba ang tatakbuhan, Bong nag-file na rin

October 17, 2018
Bong Revilla
Bong Revilla

ANG nakatatandang kapatid ni dating Sen. Bong Revilla na si Marlon Bautista ay kandidato bilang 3rd nominee ng partylist na I-Pacman habang ang kanyang nakababatang mga kapatid na sina dating Sen. Bong Revilla at Rowena Bautista-Mendiola ay tatakbo rin sa pagka-senador at konsehal ng Bacoor, Cavite respectively.

Idagdag pa ang reelection bid ng misis ni dating Sen. Bong  na si Lani Mercado bilang mayor ng Bacoor at anak nilang si Jolo Revilla na muling tatakbo sa pagka-vice-governor ng Cavite. Ang incumbent mayor ng Antipolo, Rizal na si Mayor Jun-Jun Ynares, mister ng isa pang kapatid nina Marlon, Bong at Rowena si Andrea `Andeng’ Bautista ay tatakbo pa rin sa pagka-mayor ng Antipolo.  Nanguna ang actress at mayor ng Bacoor na si Lani Mercado sa pagpa-file ng kandidatura ni dating Sen. Bong sa muli nitong pagtakbo sa pagka-senador.  Sinamahan si Lani ng kanyang mga anak na sina Bryan at Jolo Revilla, mga kapatid ni Bong na sina Marlon, Rowena at Andrea kasama ang misis ni Marlon, ang actress na si Gigi de la Riva at iba pang mga kaanak at supporters na kanilang inihabol sa last day of filing of candidacy sa COMELEC in Instramuros.  They all came in white tops.

Sakaling manalong muli ang incumbent mayor ng Maynila na si Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada sa kanyang ika-third term, malamang na ito na ang kanyang mga huling pagsabak sa public service at ipauubaya na lamang niya sa kanyang mga anak, mga apo at mga pamangkin ang pagpapatuloy ng kanyang sinimulan sa larangan ng pulitika.

Kung dalawa sa mga anak ni Mayor Erap na sina dating Sen. Jinggoy Estrada at Sen. JV Ejercito ay parehong tatakbo sa pagka-senador, ang isa pa nilang kapatid na si Jerika Ejercito-Aguilar (anak ni Mayor Erap sa dating actress na si Laarni Enriquez) ay tatakbo sa pagka-konsehal sa ika-4th district ng Manila habang ang panganay ng mag-asawang Sen. Jinggoy at Precy Vitug-Ejericto na si San Juan vice-mayor na si Janelle ay tatakbo naman sa pagka-mayor ng San Juan habang ang pamangkin ni Mayor Erap na si Gary Estrada ay tatakbo naman sa pagka-vice-mayor ng Cainta.

Nag-file na rin sa kanyang candidacy ang dating “That’s Entertainment” member, ang singer-actress na si Sheryl Cruz sa pagka-konsehal din sa ika-2nd district ng Manila.