5,447 guests

Pakikipaglampungan ni Derek kay Jennylyn, wala lang kay Austin

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 2213

Kasama ni Derek Ramsay ang 14-year-old son na si Austin Gabriel sa special screening ng All Of You na
ginanap sa Director’s Club ng SM Mega Fashion Mall last Tuesday. 

Kararating lang ng bagets nang araw na iyon mula sa Dubai kung saan ito naka-base with his
mom.

Dito magdiriwang ng Pasko at Bagong Taon si Austin kaya masayang-masaya si Derek at marami
nang plano na gagawin for the holidays.
    
“Christmas, dito, kasi ’yung parade nga, (December) 23, and then, alis na kami for Palawan
after awards night, hanggang New Year. Du’n na kami magnu-New Year,” saad ng showbiz hunk.
    
May resthouse ang pamilya ni Derek sa Palawan at doon na rin nakatira ang kanyang parents.
    
This will be Austin’s second Christmas with his dad. Noong 2015, sa Palawan din sila nag-
Holidays at nag-enjoy daw talaga ang bagets.
    
“Walang takot ’yang batang ’yan. Last time we were there, nu’ng 2015, hinihila ko siya behind
the boat, sa gitna ng laot, huh! Nakapatong siya du’n sa parang doughnut, pinapalaglag ko siya sa
gitna ng dagat, nalalaglag siya, wala siyang pakialam kahit mag-isa,” kwento pa ni Derek.
    
Nabilhan na rin daw niya ng Christmas gift si Austin, ang napakamahal at yayamaning Alienware
gaming laptop na uso sa mga kabataan ngayon.
    
Ito raw ang hiniling sa kanya ng anak.
    
“Binigyan ko siya ng Alienware na sobrang high-tech na laptop, pang-gaming. Bitbit nga niya
kanina sa eroplano, parang anak niya, ayaw niyang bitawan. It’s bigger than him. It’s so big.
    
“I said, ‘do you want a Macbook?’ (and Austin said) ‘no, I want this one.’ Hindi ko alam, ano
ba ’tong Alienware na ’to? Pagtingin ko, Diyos ko, ang mahal!” sambit ni Derek.
    
Nanood din ng screening ng All of You si Austin at bago magsimula ang movie, natanong din
namin si Derek sa magiging reaksyon ng anak ’pag napanood ang love scenes nila ng leading lady na si
Jennylyn Mercado.
    
Tinanong ni Derek ang anak right there and then.
    
“Hey, Austin, what are you gonna do when you see me kissing a girl in the movie?”
    
Sagot ng bagets, “Nothing.”
    
Sinundan namin ng tanong kung ano ang mararamdaman niya if ever at sagot naman niya, “Normal.”
    
Ayon kay Derek, very proud ang anak niya sa kanya bilang isang aktor.
    
“Noong 2015, dinala namin siya sa movie, All You Need is Pag-ibig. After the movie, when the
fans were asking to take pictures, sabi niya, ‘that’s my dad, that’s my dad!’ So, he’s proud naman,
very proud,” natutuwang kwento pa ni Derek.
    
By the way, aside from Austin, kasama rin ni Derek na nanood ng All of You ang girlfriend na
si Joanne Villablanca.
    
We wonder kung ano ang reaksyon niya sa napakaraming bed and love scenes ni Jen at ng aktor.