6,764

Pagsabak ni Liza sa negosyo,suportado ni Quen

  • Written by IAN FARIÑAS
  • Published in Showbiz
  • Read: 960

Network war, ’di umuubra sa ‘Maynila’

PORMAL nang sumabak ang “ultimate crush ng bayan” na si Liza Soberano sa pagnenegosyo nang buksan ang
sariling hand and foot wellness center na HOPE sa Creekside Square, T. Morato, Quezon City, nu’ng
Linggo.

Wellness advocate ang aktres sa edad na 19. Naniniwala siya na “wellness is essential in
making us the best version of ourselves. We want this to be the go-to place for everyone who wants to
relax and feel better.”
    
Aminado si Liza na dahil sa tambak na trabaho, wala siyang gaanong oras para alagaan ang
sarili.
    
Pero mahilig daw siyang mag-yoga at mag-meditate kapag may pagkakataon.
    
Hindi lang basic manicure at pedicure ang ino-offer ng HOPE (na hango sa tunay niyang pangalan
na Hope Elizabeth), kundi iba’t ibang packages maging para sa mga chikiting na pwedeng gawing bonding
activity ng buong pamilya.

Nariyan ang boss lady package, age is just a number, pro-active, chill chic, sugar spice and
everything nice, HOPE signature wellness package at little prince/princess package.
    
Sa nasabing launching, dumating ang perennial loveteam ni Liza na si Enrique Gil na may dala
pang bouquet of flowers para batiin si Liza.

Naroon din ang ama ng batang aktres na nagturo sa kanya ng kahalagahan ng paggamit ng
tradisyunal na essential oils na matatagpuan din sa HOPE.
    
“By putting up HOPE Hand and Foot Wellness, we do not only encourage people to have their own
proper wellness ritual but we are also aggressively taking part in what is described as the business
of the future,” sambit niya.
    
Sa ngayon, aminado si Liza na in-import ang mga oil at iba pang kagamitan ng HOPE mula sa
Amerika, pero sa lalong madaling panahon, balak daw niyang mag-develop ng sariling line ng mga ito
gamit ang mga produktong Pinoy.
    
Aware raw siya na mayaman ang bansa sa all-natural coconut oil at samu’t saring fragrances
mula sa local flowers tulad ng ilang-ilang, kaya iyon ang sunod na ita-tap nila.
    
Nang tanungin kung napagamit na niya si Quen ng essential oils galing sa HOPE, umoo si Liza at
sinabing binibigyan niya ng lemon oil ang kapareha para sa extra boost ng vitamin C.
    
Naabutan na rin daw niya ito ng peppermint na pang-masahe sa muscles at balikat nito.

“No, I don’t do the massaging,” natatawang paglilinaw ni Liza. “I told him to do it himself or
if he has a therapist to do it for him.”

* * *

MAY paliwanag si Angela Lei Atienza, anak ni Cong. Lito Atienza, kung bakit patuloy na nakakakuha ng
mga bigatin na artistang guest ang prinu-produce na longest-running feel-good morning anthology show
na Maynila.
    
Kumbaga, ‘di ubra ang network war sa Maynila.
    
“Blocktimer kasi kami kaya nakakakuha kami ng mga artista from both networks. Wala namang
problema, okey lang sa GMA (kung saan umeere ang Maynila tuwing Sabado, 9:40 a.m.),” aniya sa taunang
Christmas party/get together ng ama kamakailan.
    
Sa loob nga ng 19 taon, naging bahagi na ng iba’t ibang episodes ang naglalakihang Kapuso
stars gaya ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes, Dennis Trillo at Tom Rodriguez, pati na
ang Kapamilya properties gaya nina Coco Martin, Angel Locsin, Erich Gonzales, Richard Gutierrez,
Enrique Gil at marami pang iba.
    
Pangako nina Cong. Lito at Lei, mas pagagandahin, pasasayahin at mas magiging hitik pa sa
mabubuting aral ang bawat episode ng Maynila tungo sa 20th year.
    
Tuluy-tuloy lang ang pagbibigay ng payo at ‘di malilimutang “hugot lines” ni Cong. Lito bilang
host habang ang headwriter na si Abet Pagdagdagan Raz at Direk Phil Noble, magkatuwang na maghahatid
ng mga kwentong de-kalidad na ‘di lamang pang-lolo’t lola, tito’t tita, kundi maging pang-millennials
din.
    
Magagandang istorya na puno ng twists, moral lessons at inspirasyon na swak na swak at
magagamit ng viewers sa pang-araw-araw ang layon ng tinatawag nilang bagong Maynila.