5,069 guests

Pagiging single ni Daniel, ’di umabot ng isang taon

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 564

HINDI umabot ng isang taon ang pagiging single ni Daniel Matsunaga after his break-up with Erich Gonzales early this year. Muli siyang nakatagpo ng bagong mamahalin sa katauhan ng 19-year-old Polish top model na si Karolina Pisarek.

The young Polish but American-based model is now carrying a long distance relationship with Daniel.

Dahil sa modern technology, hindi na mahirap mag-maintain ng long distance relationship ngayon.

Samantala, si Daniel ay may dalawang movie ngayon.  Ang “Spirit of the Glass 2: The Haunted” na magbubukas sa mga sinehan nationwide simula sa November 1 under OctoArts Films at ang Metro Manila Film Festival movie na “Meant To Be” nina Vic Sotto at Dawn Zulueta na joint production ng OctoArts Films, M-Zet Productions and APT Entertainment.

Since may bagong inspirasyon ngayon si Dan  (palayaw ni Daniel), mas lalo siyang ganadong magtrabaho ngayon.

GOODBYE, VINCENT DAFFALONG

PUMANAW na ang sumikat na rapper at novelty singer na si Vincent Daffalong nung nakaraang Huwebes (October 19) ng hapon sa isang pagamutan sa Balayan, Batangas dahil sa kumplikasyon sa puso.   He was 64.
    
Sa tunay na buhay, si Daffalong ay si Vincent Quilet na kasamahan  ko noon sa OctoArts International, Inc.,  ang recording company na itinatag ng OctoArts big boss na si Orly Ilacad in January  1978.
    
Isa noong warehouse staff si Vincent ng OctoArts and during breaktime ay mahilig itong makipag-jamming sa mga taga-production na pinamumunuan noon ng nakababatang kapatid ni Boss Orly na si Sunny Ilacad.  May boses si Vincent at may talent ito sa pagku-compose ng kanta.
    
Nang sumikat noong taong 1979 ang American disco hit song na “Funkytown” ng Lipps Inc. , Boss Orly decided na gawan ito ng spoof sa pamamagitan ng rap.  Wala pa noon sa bakuran ng OctoArts ang tinaguriang King of Rap na si Francis Magalona.
    
Since alam ni Sunny na may talent si Vincent sa pagkanta, sa kanya ipinagkatiwala ang “Mahiwagang Nunal.”  Nang lumabas sa radio airplay ang nasabing rap song ni Vincent ay naging instant hit ito.  Naging in demand si Vincent sa mga TV guesting na sinundan ng iba’t ibang shows.
    
Vic ang palayaw ni Vincent.  Bago ilabas ang kanyang first single na “Mahiwagang Nunal” ay binigyan siya ng OctoArts ng screen name na Vincent Daffalong na hango sa salitang ‘dapa ang ilong’ o flat nose  na tumatak naman sa kanya.
    
Dahil naging in-demand na si Vic sa mga show, he was pulled out sa OctoArts warehouse at nag-concentrate na ito sa pagiging artist at composer.
    
Ang iba pang hit songs ni Vincent ay ang “Machoching,” “Espraken Delight,” “Mag-asawa’y Di Biro,” “Bukol Bukol,” “Okey Ba Ngayon,” “Huwag Kang Maligo” at iba pa.
    
Anak ni Vincent o Vic ang Star Music artist na si China Gerona.  Prior to his death ay isang radio anchor si Vincent ng isang local radio station sa Balayan, Batangas.  Isa rin siyang events and show organizer.
    
Masayahing tao si Vincent at marunong makisama nung ito’y nabubuhay pa.

ZSA ZSA, BAGONG KINAIINISAN

MAY bagong kamumuhiang character sa hit afternoon TV series na “Wildflower” dahil sa pagpasok ng character ni Zsa Zsa Padilla as Red Dragon na siyang magpapahirap sa character ni Lily Cruz played by Maja Salvador.
    
While Zsa Zsa is challenged sa bago niyang villain role, may mga naiinis daw sa kanya ngayon.  Pero naaliw umano siya dahil nangangahulugan lamang na nabigyan niya ng justice ang role.
    
Bukod sa “Wildflower,” si Zsa Zsa ay isa sa mga tampok na bituin sa “Bes and the Beshies” na palabas ngayon sa mga sinehan.
    
Samantala, hindi pa rin malinaw kung matutuloy ang plano nilang magpakasal sa Italy ng kanyang fiance and live-in partner na arkitekto na si Conrad Onglao.

BIRTHDAY SALO-SALO SA SALU

VERY hands on ang mag-asawang Romnick Sarmenta at Harlene Bautista sa pagpapatakbo ng kanilang Salu Restaurant along Sct. Torrillo St. in Quezon City.
    
Last Friday evening ay inabutan namin si Harlene sa birthday party ng aming common friend na si Rhyan Deles (from Los Angeles, California) na dinaluhan din ng malalapit na mga kaibigan at mga kaanak ng birthday celebrator.
    
Naroon siyempre ang partner ni Rhyan na si Michael Soriano, ang nakababatang kapatid ni Maricel Soriano na naroon din kasama ang isa pa nilang brother na si Mel Soriano.  Naroon din ang gustong magbalik-showbiz na si Lani Lobangco kasama ang kanyang Kapuso young actor son na si Bruno Gabriel.
    
Malaki na ang ipinayat ni Maria (Maricel Soriano) at ready na itong maging aktibong muli sa kanyang showbiz career.