Pagdalaw ni Maine kay Coco, may mixed reactions

September 21, 2018
Vic Sotto, Maine Mendoza and Coco Martin

MIXED reactions ang ipinahayag ng netizens nang mapabalitang dumalaw kamakailan si Maine Mendoza sa set ng Kapamilya series na "Ang Probinsyano."

Maine Mendoza and Coco Martin
Maine Mendoza and Coco Martin

Kasama kasi si Maine sa pelikulang pinagsasamahan nina Bossing Vic Sotto at Coco Martin para sa 2018 Metro Manila Film Festival na "Jak Em Popoy: The PulisCredibles" at bahagi ito ng kanilang naumpisahang professional relationship.

Sa kabila nito, alam ng lahat na bahagi si Maine ng "Eat Bulaga" na bagama't produced ng TAPE, Inc. na siyang namamahala sa career ng phenomenal star, ito ay napapanood sa GMA7 na mahigpit na karibal ng ABS-CBN.

At kahit na nga tila buwag na ang AlDub nila ni Alden Richards, may mga natitira pang naniniwalang mabubuhay pa ito. At ngayon, pinagsasabong naman ang Kapuso prime actor at si Coco.

Pero para sa mga sawa na sa mga rivalry sa showbiz, magandang sign daw ito na makitang nagsasanib ang mga inaakalang magkakalaban. Mas maganda raw ito para sa maraming tinatangkilik na palabas, sa TV o sa pelikula man.

In fact, nagpahayag si Coco na handa rin siyang lumabas sa "Eat Bulaga." Mangyari kaya?