Pagbubuntis ni Meghan sa radyo lang nalaman ng ama

October 23, 2018
Meghan Markle

HAWAK ni Meghan Markle, Duchess of Sussex ang kanyang tiyan in her casual wear habang hawak naman ng kanyang mister na si Prince Harry, Duke of Sussex ang kanyang kaliwang kamay habang sila’y nasa kalagitnaan ng kanilang 16-day tour sa Australia.  Parehong excited sina Prince Harry at Meghan sa kanilang magiging first baby na nakatakdang isilang in spring next year.

Ang pagbubuntis ni Meghan ay ini-announce ng Kensington Palace sa publiko last October 12 pero nauna na itong ipaalam ng royal couple sa kanilang immediate family.

Tuwang-tuwa ang estranged parents ni Meghan na sina Doria Ragland, isang American social worker in the mental health sector at ang retired American lighting director at director of photography na si Thomas Markle na malapit na silang magkaroon ng apo.

“The first thing I thought about was holding Meghan in my arms as a newborn 37 years ago.  I thought, my baby is having a baby.  It was a proud moment,” pahayag ng ama ni Meghan.  

Nalaman lamang ni Thomas ang balita na buntis ang anak sa kanyang car radio.

“I was filled with love, joy and happiness for both my beautiful daughter and my son-in-law.  A new baby is a blessing to seeing a little Meghan or a little Harry,” dugtong pa nito.

Hindi nakadalo si Thomas sa royal wedding ng kanyang anak kay Prince Harry dahil may sakit siya noon kaya mag-isa ang kanyang ex-wife na si Doria na dumalo.

Sina Prince Harry at Meghan ay ikinasal last May 19, 2018 sa St. George’s Chapel ng Windsor Castle ng United Kingdom.