Outspoken

October 10, 2018
Diego Loyzaga

Jake, nakikita ang sarili kay Diego.

Sobrang happy si Jake Cuenca na marami sa mga batang henerasyon ngayon ng mga aktor ang sumusunod sa career path niya tulad nga ng mga kasamahan niya sa Los Bastardos na sina Marco Gumabao, Albie Casino, Diego Loyzaga and Joshua Colet.

As we all know, versatile actor si JC na kayang magbida, kontrabida at willing ding magpa-sexy.

“Yes, sobrang ano ako, kung nandito ako para tumulong, hindi ako madamot na artista, so, kumbaga, lahat binibigay ko, ’pag hinihingi sa akin ang advice ko, of course, ibinibigay ko sa kanila wholeheartedly.

“’Yun ang naging sikreto ng Pasion de Amor (ang dati niyang teleserye na sexy rin ang tema tulad ng Los Bastardos), kaya naging successful ’yun, eh. Kasi naging magkakapatid talaga kami.

“So, this is another soap na very similar to that,” pahayag ni Jake sa presscon kahapon ng Los Bastardos.

Another good thing, marami raw silang similarities ng co-lead stars niya.

“Even when it comes to controversies, everything, mga issue namin in the past. So, naiintindihan namin ang isa’t isa,” sey ni Jake.

Sa apat na young actors na co-stars niya, kanino niya higit na nakikita ang sarili niya at most likely ay susunod sa kanyang yapak?

“Si Diego, masasabi ko. Kasi, very outspoken siya, tapos, very passionate rin siya sa acting niya. Pero lahat naman sila, very outspoken pagdating sa pag-arte.

“Pero kay Diego, parang in a way, nakikita ko ang sarili ko sa kanya.”

Samantala, when it comes to his lovelife, ani Jake ay zero pa rin daw. Natanong siya kung ano na nangyari sa kanila ni Erich Gonzales na inamin niya recently na crush niya.

“Wala, sobrang busy, I have two movies, a teleserye and a play. Pero she’s gonna watch the play (Lungs). Du’n naman ako natuwa, manonood siya ng play ko. For that naman, medyo nata-touch ako at nadadagdagan nang konti ang nerbyos ko.

“Pero sa ngayon talaga, I have no time (for lovelife), I am not complaining, I’m so blessed. Even if I wanted to have a girlfriend, walang time,” saad pa ni Jake.

Magsisimula na sa October 15 ang Los Bastardos pagkatapos ng Kadenang Ginto. Kasama rin dito sina Maryjoy Apostol, Jane Oneiza, Ritz Azul, atbp.