6,876

Ogie, kumasa sa bashers ni Regine!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 274

NAG-tweet si Ogie Alcasid ng, “I will always defend the views of my wife with the love of God.”

Naba-bash kasi si Regine Velasquez dahil nagpahayag via Twitter ng saloobin sa mga sinabi ni President Rodrigo Duterte tungkol sa Diyos.

In fairness kay Regine, hindi niya dini-delete ang tweet niya tungkol kay Pres. Duterte at pati ang pamba-bash sa kanya.

Knowing Regine, pinagtawanan lang din niya ang mga nag-comment na kaya siya nakisawsaw sa isyu ay para i-promote ang The Clash na siya ang host at dahil laos na siya.

Noon pa aminado ang Songbird na hindi na siya kasing-sikat ng dati at tanggap niya ito nang buong puso.

* * *

Nagsasaya ang Team Gideon dahil si Atty. Gideon Peña ang escort ni Kris Aquino sa premiere night ng I Love You, Hater.

Nagkaroon kasi ng pustahan ang Team Gideon at Team Herbert (Bautista) sa supporters ni Kris kung sino sa dalawa ang makakasama ng aktres na dumalo sa premiere night at si Atty. G (tawag ni Kris) nga ang winner.

Sabagay, expected na ito ng press people na nakausap ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa birthday treat niya sa mga reporter.

Para kasing may war sila ni Kris sa pag-iwas niya sa mga tanong tungkol sa kanilang dalawa.

Sa side ni Kris, malinaw ang sagot na “not in good terms sila ni Mayor Herbert.”

Ang sabi pa nga, na-friend zone si Mayor Herbert at na-seen zone pa.

Double whammy, parang burger lang ang estado ni Herbert sa puso ni Kris ngayon.

Sa photos na lumabas sa premiere night, magkakatabi sina Kris, Atty. Gideon at Bimby.

Nasa left side ni Kris si Atty. Gideon at sa right side naman si Bimby.

* * *

Kinuwento ni Direk Erik Matti sa presscon ng Buy Bust ang hirap nang kunan niya ang action scene ni Anne Curtis sa bubong at kung paano nagpalipat-lipat ang aktres for a good shot.

Rehearsal pa lang daw, inabot na ng five days.

Kinunan ng three days at ’yung isang shooting, inabot ng 16 takes na wala pa ring nakitang good shots si Direk Erik.

Inulit daw nila ang eksena at inabot naman sila ng 20 takes bago ito na-perfect.

Kaya nagpasalamat si Direk Erik sa Viva Films dahil all out ang suporta sa budget na sabi niya, umabot ng $1.6M.

Pero sigurado si Direk Erik, ang cast at buong team na hindi sila mapapahiya kahit sa foreign audience.

Walang double si Anne sa kanyang mga eksena, pero wala siyang reklamo kahit anong hirap at kahit nasa ulanan.

Ang hindi sinagot ni Direk Erik ay kung bakit nakapikit ang right eye ni Anne sa parang poster ng Buy Bust na may hawak na baril.

Mapi-preempt daw ’pag sinagot niya ang aming tanong.

* * *

Lumipad at sumunod na sina Coney Reyes at Janine Gutierrez kay Alden Richards sa taping ng Victor Magtanggol sa ibang bansa.

Ang sabi, nine to 10 days ang shooting sa lugar na maraming snow at kung bakit kailangan ang snow sa teleserye, malalaman sa presscon o kaya’y kapag umere na ang action/family drama/fantasy/adventure teleserye ni Alden.

In-announce na rin na sina Janine at Andrea Torres ang dalawang leading ladies ni Alden. Sa dalawa, si Andrea ang naba-bash nang slight pa lang naman. Wala pang rason para mataranta ang aktres at ang GMA-7.

Si Andrea ay gumaganap na isang diwata, siya si Sif na magiging kakampi ni Victor (Alden) sa pakikipaglaban sa mga kaaway.

Si Janine ay si Gwen Regalado, isang field reporter na susubaybay sa buhay at pakikipaglaban ni Victor.

’Katawa lang ang tsikang nakitang magkasama sa tent sina Alden at Andrea.

Nakita pa raw na nagbibihis ang mga ito, na ang gustong palabasin ay may milagrong ginagawa.

Wala kayang balak magpa-set visit sa taping ang GMA-7 para malaman ang working condition sa taping at para malaman na malabong mangyari ang naturang tsismis?