Nude shade

September 20, 2018
Maine Mendoza

Lipstick ni Maine, trending 

TWITTER party ang fans ni Maine Mendoza kahapon dahil ang dalawang hashtags na gamit nila -- #MaineForMac at #MainedcmMac MakerLaunch -- ay parehong trending, huh!

Maine Mendoza

Inilantad na kasi sa publiko ang shade ng lipstick na ginawa niya last January this year para sa  global brand ng sikat na cosmetics.

History rin kasi ang nangyaring collaboration ng Phenomenal Star dahil siya ang unang Pinay na kinuha ng cosmetics.

Sa Instagram post ni Meng, inilabas niya ang design ng kit na laman ang lippie shade na muted peachy beige. Take note na disenyo niya ang kiss-print packaging, huh!

“IT’S (ALMOST) HERE! So stoked to finally reveal the shade for my #MaineForMac lippie! (And its not yellow, guys! Lol). Opted for a nude shade with matte finish that would work well on a variety of skin tones.

“I want this to be the universal nude lipstick since you can wear it with anything -- from casual to formal -- at any time of the day regardless of the occasion (You can also adjust the tone by wearing a lipiner underneath), if ever you find it too light or if you just want an extra pop.)

“Really excited for you guys to have it. Still feels surreal to actually have my very own lipstic MAC,” bahagi ng caption ni Meng.

Dagdag pa ng Phenomenal Star, out na ang lipstick sa Lazada sa September 21, sa Sept. 22 sa SM Megamall at sa lahat ng MAC stores nationwide sa September 23.

Bago ang launching ng lippie shade, nag-taping na si Meng ng pilot episode  ng bagong sitcom with Vic Sotto at Wally Bayola  na may working title na Daddy’s Girl mula sa direksyon ni Chris Martinez.

Samantala, inaabangan kung sosorpresahin ni Maine si Alden Richards sa second major concert niyang Adrenalin Rush sa Friday, September 21 sa Kia Theater.

Tagged Under