Nora, suportado ang pagabalik sa recording ni John Rendez

September 30, 2018
Nora Aunor

Nagbabalik sa recording scene ang magaling na hip hop at rap artist na si John Rendez. Huling album na nagawa niya ay noong 2012, ang Metal Dog: There Can Only Be One under PolyEast Records.

Naging maganda ang resulta ng album niyang ito kung saan na-nominate ito bilang Rap Album at nanalo  siya bilang Rap Arist of the Year sa Star Awards for Music noong 2013.

Ang kompanya ng Star Music ang magbibigay buhay muli sa recording career ng singer kung saan ginagawa na ngayon at masusing pinag-aaralan ang kanyang magiging single. Kakaiba ito sa mga nagawa na dati na siguradong marami ang magugulat.

Kamakailan lang ay pumirma na siya ng kontrata sa Star Music at kasama pa niya ang tumatayong business manager na si Nora Aunor. Todo-suporta talaga si Mama Guy sa career ni John, huh!

Excited si John dito dahil gustung-gusto niya talaga ang kumanta. Kung magiging maayos ang lahat, malamang ay ngayong taong ito mari-release ang kaniyang single.

Ngayon palang ay ramdam na ang kanyang kasiyahan dahil anim na taon din siyang hindi naka- pagrecord ng kanta.

Magiging busy ang susunod na taon sa ma-galing na singer dahil bukod sa pagpo-promote ng kanyang single ay  pinaplano  rin ang  pagbuo niya   ng isang album. Mag-kakaroon din siya ng series of shows.

Pagdating talaga sa pagkanta ay mahusay si John. Isa sa mga  kinilala sa kaniyang mga awitin ay ang  Everybody Sayaw, na tunog foreign kung saan isa ito sa mga most requested na kanta sa mga radio station nang ito ay  ini-release.