Nora praises younger co-stars, wants to recover voice

October 23, 2018
Nora Aunor
Nora Aunor

NORA Aunor says she enjoys being part of GMA-7’s touching primetime drama, “Onanay”, because they have a happy set. “Magaan katrabaho ang lahat, from our director, si Gina Alajar, to all our co-stars, puro professional kaya masaya kami lagi sa taping,” she adds.

How would she assess the acting of her newer co-stars, including Jo Berry as her daughter Onay, plus younger stars Mikee Quintos, Kate Valdez and Enrico Cuenca?

“Bilib ako kay Jo kasi first teleserye lang niya pero mahusay na. Ang galing ng memorya kahit mahahaba ang linya. 'Yun namang tatlong bagets, puro mababait na mga bata. Lahat sila, napalapit na sa’kin at parang mga anak ko na sila. Madadali silang matuto at lumalaban talaga nang sabayan sa harap ng kamera.”

When will she do a new movie? “Baka next year na kasi nakatutok muna ako rito sa ‘Onanay’. Madali na akong mapagod so di puwede 'yung naglalagare. Dito nga, may cut off ako. Kung puwede, hanggang 8 p.m. lang, pero puwede namang i-extend kung importante talaga ang kukunang eksena.”

How about her singing? “Ah, 'yun ang nami-miss ko talaga.  First love ko talaga at sa pagkanta naman talaga ako unang nakilala ng mga tao. Gusto ko na talagang magpaopera para maibalik ang boses ko. Kaya lang, laging busy. E, sa abroad pa gagawin ang operasyon, so mahirap. Kagaya ngayon, ’di ako basta makakaalis dahil may soap ako. Kasi bukod doon sa actual procedure, may recovery and therapy pa so matagal aabutin ang lahat. Idinarasal ko talaga na sana, balang-araw, makakanta pa rin ako. Kapag nakakarinig ako ngayon ng magagandang bagong kanta, naiisip ko, sana mabigyan rin ako ng chance later na makanta ko sila.”

She is encouraged by her faith in the Lord. “Kung wala ang Panginoon, wala rin tayo rito kaya hindi dapat mawala ang pananalig natin sa Kanya. Nagpapasalamat talaga ko sa kanya na naririto pa rin ako at nabibigyan ng chance na gumawa ng projects like itong ‘Onanay’. Napakasuwerte nga ng mga batang artista ngayon dahil lahat, inaasikaso ng networks para sa kanila, pati mga damit na isusuot nila, makeup nila. May stylists pa sila. May acting coach pa sila sa set. Noong araw, hindi ganyan, kanya-kanya kami ng mga kasabay ko noon at kaming bahala sa sarili namin.”