Nora pinagkaitan na naman ng National Artist award

October 25, 2018

NASILAT na naman ang National Artist award kay Nora Aunor.

Mukhang mailap sa kanya ang nasabing award dahil taun-taon inaabangan ng mga taga-showbiz na maigawad na ito sa nag-iisang Superstar. Muntikan na niya itong masungkit ngunit diumano'y nilaglag siya sa huling minuto ng noo'y Pangulong Noynoy Aquino. Matatandaan na naging mainit na debatehan ito. Itinurong dahilan ng kanyang pagkakalaglag sa final list ay ang umano'y pagiging malapit niya sa dating pangulo na ngayon ay House of Representatives Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Isa pang dahilan kung bakit di raw siya nailuluklok sa pagiging national artist ay ang mga kasong kanyang kinasangkutan; lalo na ang pagkakakulong niya sa Amerika. Hanggang ngayon, mukhang ito pa rin ang ipinupukol sa aktres. Sa totoo lang, hindi ang personal na buhay ng isang artist ang dapat maging basehan sa nasabing karangalan; kundi ang lawak ng naiambag niya sa sining ng bansa.

Hindi pa ba sapat ang naimbag niya sa pelikulang Pinoy para gawaran siya ng National Artist award? Just asking...

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 09086032179 or email us at justasking_pj@yahoo.com.