6,426

Nine-nega!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 560

Bagong serye ng kilalang loveteam, inuokray!

NEGA agad ang reaksyon ng publiko sa bagong series ng kilalang loveteam. Kasi naman, nagpapaka-
cultural at historical ang konsepto, eh, wala, hindi 100 percent Filipino ang bidang babae, huh!

So hayun at may ilang sector na kumukuwestiyon sa pagganap ng young actress.
    
Obserbasyon ng isang netizen, “Paano niya isasapuso ang character niya, eh, salat siya sa
kaalaman sa kulturang Pinoy?”
    
Wow naman ang mga concern na ganito, huh!

* * *

PINAPURIHANG muli ni Robin Padilla ang asawang si Mariel Padilla dahil sa kabutihang ipinakita nito
sa ina ng asawa, si Mommy Eva Cariño Padilla.
    
Ibinahagi ni Robin sa kanyang Instagram ang kagandahan ng puso ng asawa nang tumawag ang ina
sa kanya na umiiyak.
    
“Nabigla ako at ninerbios pero wala naman palang emergency kundi gusto daw niyang malaman ko
na love na love niya ang asawa ko kasi nu’ng pumunta sila sa birthday ng aking auntie letty inabutan
daw si ermats ng pag ihi er naurungan dw siya ng kahit pasabog na ang kanyang pantog dahil parang
marumi ang toilet sa dami ng bisita na gumagamit nito pero kagyat daw siyang sinamahan ni mariel sa
cr at nilinis ang cr at pati na toilet bowl na nilagyan niya ng tissue ang bawat inches ng upuan
niya.
    
“Maraming salamat @marieltpadilla ang iyong kagandahan ay nagmumula sa iyong puso bago sa
iyong panlabas na anyo,” bahagi ng caption sa IG ni Binoe.

* * *

DINUMOG ng aspiring singers ang unang audition ng upcoming singing contest ng GMA, ang The Clash,
nang lumarga ito sa Cebu.
    
Eh, mukhang kakaiba ang show na ito na si Regine Velasquez ang host kaya maraming naging
interesado, huh!
    
Ngayong Sabado, Feb. 24, sa Sunshine Park sa Baguio City ang venue ng audition.
    
Sa  The Annex Event Center sa SM Davao ang next  sa March 10 at sa March 11 naman ay sa
Skydome sa SM North EDSA ang audition.