5,205 guests

Nikki, nanganak na, ’di pa rin nakikipag-usap kay Billy

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 566
Nikki Gil Nikki Gil

A DAY before their second wedding anniversary last November 21 ay lumabas ang first born ng mag-asawang Nikki Gil-Albert at BJ Albert na si Finn (palayaw ng baby).

Immeasurable second  wedding anniversary gift ang very timely na paglabas ni Baby Finn.

Sina Nikki at BJ ay ikinasal noong November 21, 2015 sa pamamagitan ng isang Christian garden wedding na ginanap sa Sta. Elena Golf and Country Club in Laguna na dinaluhan ng kanilang respective families and relatives at malalapit na kaibigan in and out of showbiz.

Bago ikinasal si Nikki kay BJ ay limang taon niyang naging kasintahan ang singer-TV host-actor na si Billy Crawford na malapit nang ikasal sa fiancée nito ngayong si Coleen Garcia.

Hindi pa rin on speaking terms ang dating magkasintahang Nikki at Billy since  their break-up in 2013.

MISS U PHILIPPINE BET, SUPORTADO NG POLITICIAN-BF

NGAYONG  Lunes ng umaga, November 27 (Nov. 26  ng gabi sa Las Vegas, Nevada) malalaman ang magiging kapalaran ng kinatawan ng Pilipinas sa 2017 Miss Universe na si Rachel Peters na kasalukuyang ginaganap sa The AXIS  ng Planet Hollywood in Las Vegas, Nevada.
    
Maganda ang performance ni Rachel sa preliminary judging kaya umaasa ang kanyang mga kababayan na sana’y maiuwi niya ang korona tulad ng ginawa ni Pia Wurtzbach nang masungkit nito ang korona in 2015.  Pia, by the way, is among the judges ng 2017 Miss Universe.
    
Ninety two (92) contenders  from all over the world ang malalaban-laban for the crown na ire-relinquish at ipapasa sa bagong Miss Universe ng 2016 Miss Universe na si Iris Mittenaere ng France.
    
Sa kauna-unahang pagkakataon ay kasali this year ang mga bansang Armenia, Cambodia, Laos at Nepal habang bumalik naman sa Miss Universe pageant ang mga bansang Egypt, El Salvador, Ethioplia, Ghana, Iraq, Ireland, Lebanon, Montenegro, Serbia, Trinidad and Tobago, Zambia at St. Lucia.
    
Nag-withdraw naman sa taong ito ang mga bansang Belize, Denmark, Hungary, Kenya, Kosovo, Switzerland at Sierra Leone.
    
Out of 92 contestants ay pipiliin sa kanila ang pinakabagong Miss Universe na pagpapasahan ng korona ng outgoing Miss Universe na si Iris Mittenaere ng France.
    
Samantala, lumipad patungong Las Vegas, Nevada ang kanyang nobyong politician, ang gobernador ng Camarines Sur na si Gov. Migz Villafuerte para suportahan ang kasintahan.

ROCCO, MAY MASTER’S DEGREE NA SA NURSING

SALUDO kami sa registered nurse-turned Kapuso actor na si Rocco Nacino na sa kabila ng kanyang busy schedule bilang actor-model ay hindi nito napabayaan ang kanyang pagkuha ng kanyang master’s  degree in nursing kung saan siya nakatakdang magtapos ngayong Friday, November 24 with honors – cum laude sa St. Bernadette of Lourdes College.
    
Ito ay kanyang iniaalay sa kanyang mga magulang na sina Ralph at Linda Nacino who raised him well.
    
Kapag dumating ang panahon na hindi ganoon ka-busy si Rocco sa kanyang showbiz career  ay maaari niyang balikan anytime ay pagiging nurse.

NINONG MANNY NINA PANCHO, MAX

ANG boxing hero-turned-senator na si Manny Pacquiao at misis nitong si Jinkee Pacquiao ang mangunguna sa listahan ng

principal sponsors ng engaged couple na parehong Kapuso actors – sina Pancho Magno at Max Collins na nakatakdang ikasal on December 11 (Monday) sa pamamagitan ng isang Christian garden wedding.
    
Pancho (31) and Max (25)  got engaged in May this year matapos ang kanilang tatlong taong relasyon.
    
Si Pancho ay anak ng isa sa  lady executives ng GMA na si Redgie Magno.

ANAK AT EX, UUWI NA PARA MAKASAMA SI PAOLO

KAHIT isa nang certified box office star at award-winning actor ang “Eat Bulaga” mainstay na si Paolo Ballesteros, wala umano siyang intention na iwanan ang programang naging tulay niya para siya’y makilala at marating ang tagumpay.  Wala rin umano siyang balak na iwan ang Jo-Wa-Pao ang tambalan nila nina Jose Manalo at Wally Bayola.
    
“Walang Paolo Ballesteros kung hindi dahil sa “Eat Bulaga,” pahayag ng bida ng “Barbi: D’ Wonder Beki” na matutunghayan sa mga sinehan simula sa November 29.
    
Samantala, natutuwa si Paolo dahil babalik na ng Pilipinas ang kanyang almost 9-year-old daughter na si Keira Claire kasama ang ina nitong si Maria Katrina Nevada galing Amerika and they’re staying here for good.
    
Sa three-storey house na ipinatayo ni Paolo in Antipolo, ang ikatlong palapag ay okupado ng dalawang magkahiwalay na kuwarto nila ni Keira.
    
Although nasa finishing touches na ang bahay, balak itong lipatan ni Paolo and his family bago ang kanyang ika-35th birthday on November 29.  Ka-birthday ni Paolo ang kanyang kaisa-isang anak na si Keira Claire.  Ito rin ang araw ng showing ng “Barbi: D’Wonder Beki” movie ni  Paolo kaya napaka-espesyal umano ang kanyang nalalapit na kaarawan.
    
Nagbukas kahapon (Wednesday) sa mga sinehan ang “Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies” na dinirek ni Mark Reyes for APT Entertainment at M-Zet Productions habang showing naman sa susunod na Miyerkules, November 29 ang “Barbi: D’ Wonder Beki” na dinirek ni Tony Y. Reyes for OctoArts Films, M-Zet Productions at T-Rex Productions.  Meron din siyang movie sa bakuran ng Viva Films, ang “Amnesia Love” na pinagtatambalan nila ni Yam Concepcion habang may nakatakda rin siyang gagawing pelikula sa Regal Films at sa IdeaFirst ng mag-partner na Jun Lana at Perci Intalan, the same team behind the success of “Die Beautiful”.  Ginawa rin ni Paolo ang TV series na “Born Beautiful” for Cignal cable.