4,902 guests

Ngaragan

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 311
Anne Curtis Anne Curtis

WELCOME party para sa guests ang naglabasang pictures ng husband and wife to be na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff kahapon. Ngayong araw na ito, Linggo, ang kasal nila sa Queenstown, New Zealand.

Sa Instagram account na @annecurtis008 naka-post ang ilang kaganapan sa party na ’yon. Awra-awra si Anne sa puting damit na may hawak na sunglasses. Brown suit naman ang suot ni Erwan with matching hat.

May production numbers pa ang isang grupo na apparently ay New Zealanders.  May drama pa silang nag-meet sa gitna ng malaking lawn, huh!

Sa isang photo ni Anne kasama ang isang grupo, nandoon ang lovers na sina Angel Locsin at producer Neil Arce, Vhong Navarro, Kim Atienza and wife, Vice Ganda, Teddy Corpuz, Jugsjug Jugueta at iba pa.

Sarap tingnan ang picture nina Anne at Erwan na super yakap sa isa’t isa. Pero hindi rin nagpatalbog ang lovers na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola na may lambingan shot din habang nasa NZ, huh!

Best wishes, Erwan and Anne!

* * *

NGARAGAN ang pagtatapos ng reunion movie nina Sharon Cuneta at Robin Padilla.  Isasalang na ito sa November 29 base na rin sa post sa IG ni Sharon Cuneta.
    
Ang title ng movie ay Unexpectedly Yours at nakalagay na parang poster teaser ang kasama nilang sina Julia Barretto at Joshua Garcia. Mula ito sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.
    
Malamang na photo-finish ang pagtatapos ng big screen comeback nina Shawie at Binoe, huh!
    
Ang mahalaga, maipalabas sa takdang araw pero huwag namang gawing bara-bara ang pagsasamang muli ng dalawa sa screen, huh!