Nganga!

October 18, 2018
Herbert Bautista

Pagtakbong congressman ni Bistek, nabulilyaso! 

... QC mayor, napipisil na running mate ng mayoral candidate.

NGANGA ang lahat nang walang Mayor Herbert Bautista na lumutang sa Comelec, Quezon City sa huling araw ng filing ng certificate of candidacy (CoC) nu’ng Miyerkules.

Umaasa ang supporters ni Mayor HB, pati na ang kanyang showbiz family, na tatakbo siyang congressman sa May 2019 mid-term elections dahil tapos na ang termino niya bilang QC mayor next year.

Sa post sa Facebook ng isa sa kanyang staff na si Ares  Gutierrez, inilabas niya ang litrato ni mayor habang nagtatrabaho sa office na may quotation mula sa pinuno ng siyudad: “I want to be remembered as a public official who practically grew up serving the people of Quezon City. -- Herbert Bautista.”

Sa nakuha naming impormasyon, nagkaroon ng bulilyaso sa pagtakbo niya bilang congressman sa isang distrito ng city.

Ibang kandidato ang nabigyan ng certificate of nomination ng partido at hindi si Herbert, huh!

Of course, hanggang hindi pa nagsisimula ang opisyal na kampanya, may pag-asa pang nasisilip ang supporters ni mayor.

’Yun ay ang deadline ng substitution ng mga kandidato.

Maugong kasi na si Mayor Bistek ang gustong kunin na ka-tandem ng isang mayoral candidate bilang running mate niya as vice mayor.

Kung sino ang candidate na ’yon, wait na lang tayo oras na kumpirmado na ito.