7,744

Netizens may advice kay Jessy

  • Written by Remy Umerez
  • Published in Showbiz
  • Read: 366
Jessy Mendiola Jessy Mendiola

TALK of waiting: Hanggang kailan kaya maghihintay si Jessy Mendiola sa proposal ni Luis Manzano na sila’y pakasal? Waiting and hoping ang drama niya ngayon while she feels she is the luckiest girl in the world for completely conquering the heart of Luis.

Marami ang nag-akalang magaganap ang proposal noong birthday ni Luis where families of both parties were in attendance. Well, walang ganoong scenario.

Luis is past the marrying age and very stable. What then is preventing him?

Netizens advice? Amuyin daw maigi ni Jessy ang boyfriend at baka may madiskubre pa siyang ibang bagay. Or she could compare notes with Angel Locsin.

PAGHUHUBAD SA PUBLIKO KATUWAAN LANG

ANO nga ba ang nakain ng mag-asawang Troy Montero at Aubrey Miles at biglang nag-ala Adam and Eve sa Palawan beach? Not so favorable ang naging reaction ng marami. Even Troy’s brother found it “distasteful”.

Well, you’ve got to have a gimmick, so goes the lyrics of a song from the musical, Gypsy.

Matagal na silang inactive sa pelikula. Kaya there is no need to create noise para pag-usapan. Oh well, sobra sigurong nainitan kaya ayun, they throw all cautions to the wind. Katuwaan ba?

SAMAHANG TSINO-PILIPINO NAG-DONATE SA GMA KAPUSO FOUNDATION

THE GMA Kapuso Foundation, Inc, (GMAKF) ng GMA Network, Inc, with Atty Felipe Gozon as chairman ay tumanggap ng donation amounting P2.25 million for Rebuild Marawi Project mula sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) headed by president Domingo Yap. Magtatayo sila ng 3 public schools sa gitna ng lungsod ng Marawi na winasak ng digmaan laban sa terorismo.

Ang FFCCCII ay may proyektong ‘’Operation Barrio Schools’’ mula pa noong 1961, nagtatayo at nagbibigay sila ng mga pampublikong mga paaralan sa mga mahihirap na mga baryo sa lahat ng mga rehiyon ng Pilipinas. Sabi ni president Domingo Yap na nagbibigay ang FFCCCII ng mga eskuwelahan, dahil nais ng mga negosyanteng Tsino na itaguyod ang katarungang panlipunan o ‘’social justice’’ at iahon ang mga maralita sa kahirapan.

Ang FFCCCII ay nagbigay din ng tulong na nagkakahalaga ng P10.1 million para sa mga biyuda at pamilya ng mga nasawing mga sundalo at pulis sa Marawi. Marami pang mga sari-saring kawanggawa ng FFCCCII ay mga medical mission, suporta sa Filipino-Chinese fire volunteer brigade, relief operation sa mga kalamidad, atbp.

Sabi ni GMA7 chairman Felipe Gozon; ‘’Napakahalaga nito sa pag-rehabilitate ng Marawi dahil ang unang pangangailangan ng mga bata ay eskwelahan. Ito ay napakahalaga sa pagpapanumbalik ng Marawi. Tulungan natin sila."