6,210

Natsismis na nabuntis ng young aktor nagsalita na

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 1781
Bugoy Cariño  & EJ Laure Bugoy Cariño & EJ Laure

BINASAG na ng 19-year-old na si  Ennajie ‘EJ’ Laure ang kanyang pananahimik sa pamamagitan ng kanyang Instagram account na may kinalaman sa kumalat na balita (since December last year) na siya umano’y buntis at ang itinuturong ama ay ang 15-year-old actor-dancer na si Bugoy Cariño.

Hindi alam ni EJ kung siya’y matatawa o maiinis sa nagkalat na balita.

Pansamantalang huminto si EJ sa paglalaro na dating volleyball team captain under UST’s Golden Tigresses dahil sa kanyang tinamong chronic shoulder injury na kailangan niyang ipahinga at hindi dahil siya’y buntis.

Maging si Bugoy ay naiinis na rin sa mga maling balita pero alam niyang wala siyang dapat ikatakot dahil alam niya ang totoo.

MARIEL TULUYAN NANG SASABAK

SA darating na March 18, 2018 ay opisyal nang magtatapos ang reign ni Mariel de Leon bilang Bb. Pilipinas-International kapag nailipat na niya ang kanyang titulo at korona sa bagong tatanghaling Bb. Pilipinas – International na siyang kakatawan sa Pilipinas sa 2018 Miss International beauty pageant na taun-taon ginanap sa Tokyo, Japan sa buwan ng Nobyembre.

Kung noon ay tila 50/50 pa ang chance ng pag-aartista ni Mariel, ngayon ay bibigyan na niya ito ng 100% attention dahil gusto niyang sundan ang mga yapak ng kanyang parents na sina Christopher de Leon at Sandy Andolong maging ng kanyang mga tiyahing sina Pinky de Leon at Lara Melissa de Leon.  Si Mariel ay apo ng yumaong actor-director na si Gil de Leon at veteran actress na si Lilia Dizon.
    
Si Mariel ay nasa pangangalaga ngayon ng LVD Management and Consultancy Services ni Leo Dominguez at kasama na niya sa pool of talents ni Leo tulad nina Ogie Alcasid, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Gloria Diaz, Paulo Avelino, JC de Vera at  iba pa.
    
Matapos gawin ni  Mariel ang directorial debut ni Coco Martin na “Ang Panday” na siya rin mismo ang bida at producer at naging 2nd top grosser sa 2017 Metro Manila Film Festival, nagdesisyon ang dalaga nina Boyet at Sandy na  ipagpapatuloy na niya ang kanyang showbiz career at suportado naman siya ng kanyang mga magulang.
    
Bukod sa acting, gusto rin ni Mariel na maging aktibo sa kanyang singing and modeling career.

MAYMAY NAIPAKILALA NA NI EDWARD SA MAGULANG

HINDI inakala ng ex-PBB:Lucky Season 7 big winner na si Maymay Entrata na makakarating siya sa Germany at makakasama pa niya ang pamilya ng kanyang ka-loveteam na si Edward Barber noong Pasko.
    
Sina Maymay at Edward ay tumulak patungong Germany last December 22, 2017 for Mega Magazine pictorial.  Dahil dito, nagkaroon ng

pagkakataon ang magka-loveteam na mag-bond with Edward’s family at maipasyal ang dalaga sa iba’t ibang magagandang lugar doon.
    
Ang trip nina Maymay at Edward sa Germany at first time ng ex-PBB winner sa naturang bansa at sa Europe at first time din niyang nakaranas ng winter at snow.  At higit sa lahat, bonding with Edward’s family na hinding-hindi umano niya makakalimutan.
    
Ang tambalan nina Maymay at Edward ay nabuo nung sila’y nasa loob pa ng PBB house.

JOSHUA SOBRANG EFFORT KAY JULIA

SA  2016 Metro Manila Film Festival movie na “Vince & Kath & James” tinampukan  ni Ronnie Alonte unang nakita ang kakaibang chemistry ng reel and real loveteam nina Julia Barretto at Joshua Garcia. Sa set din ng nasabing pelikula nagsimula ang closeness ng dalawa hanggang sa maging officially sila.
    
Muling nagkasama sina Julia at Joshua sa 2017 hit movie na “Love You to the Stars and Back” na lalong nagpatatag sa kanilang tambalan.
    
May niluluto ngayon ang Kapamilya Network na isang teleserye na tatampukan mismo ng dalawa although may tumatakbo pang teleserye ngayon si Joshua, ang primetime TV series na “The Good Son”.
    
Sobrang ma-effort si Joshua pagdating sa pagmamahal niya sa dalaga ng estranged couple na sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla, isa sa mga katangian ng binata na nagustuhan ni Julia.

JOHN LLOYD AT ELLEN MAY IDENTICAL RING

HANGGANG ngayon ay `uhaw’ pa rin ang publiko sa tunay na kaganapan sa pagitan ng controversial  showbiz couple na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Wala pa ring tahasang pag-amin mula sa dalawa na kasal na sila at malapit nang isilang ang kanilang unang magiging supling.
    
May mga nagsasabi na may identical ring na suot nina John Lloyd at Ellen at marami na rin ang nakakita sa pag-lobo ng tiyan ng Kapamilya actress.
    
Kung totoo mang kasal na at magkakaroon na ng anak sina John Lloyd at Ellen ay wala namang problema dahil pareho naman silang single.  Pero ang ipinagtataka lamang ng marami ay kung bakit kailangan nila itong ilihim sa publiko considering na pareho silang kilalang celebrities at public figures.

AMA NG AKTRES ’DI IMBITADO SA KASAL

SAYANG at wala na si Princess Diana kaya hindi na nito nasaksihan ang dalawang mahahalagang okasyon ng dalawa niyang naiwang anak kay Prince Charles na sina Prince William at Harry – ang kanilang kasal sa kanilang respective partners na sina Catherine (Kate Middleton), Duchess of Cambridge at Meghan Markle.
    
Sina Prince William at Catherine ay ikinasal nung April 29, 2011 at si Prince Harry naman ay nakatakdang ikasal sa American actress at divorcee na si Meghan Markle on May 19, 2018 sa St. George’s Chapel ng Windsor Castle.
    
Si Princess Diana ay sumakabilang buhay nung August 31, 1997 sa isang vehicular accident sa Paris, France.
    
Samantala, wala umano sa guest list sa nalalapit na kasal  nina Prince Harry at Meghan ang ama ng (dating) American actress na si Thomas Markle, Sr. at half-brother ni Meghan na si Thomas Markle, Jr. kaya malamang daw na si Prince William ang maghatid sa altar sa kanyang future sister-in-law na si Meghan. Pero imbitado sa royal wedding ang ina ni Meghan na si Doria Ragland (61).
    
Anim na taong gulang pa lamang si Meghan nang magkahiwalay ang kanilang mga magulang at naiwan siya sa pangangalaga ng kanyang inang si Doria na isang yoga teacher at social worker.
    
Si Meghan ay divorced sa kanyang first husband, ang American producer na si  Trevor Engelson nung 2013 at wala silang anak.
    
Samantala, early this week ay sikretong bininyagan at kinumpirma si Meghan sa Church of England sa pamamagitan ng isang private ceremony na ginanap sa St. James Palace administered by Archbishop Justin Welby,
    
Archbishop of Canterbury na siya ring magkakasal kina Prince Harry at Meghan on May 19.  Hindi nakadalo ang estranged parents ni Meghan na sina Thomas Markle Sr., at Doria Ragland. Ang isa pa ngayong prinoproseso ay ang British citizenship ni Meghan.
    
Sa kabila ng pagiging American divorcee at commoner ni Meghan, mainit ang pagtanggap sa kanya hindi lamang ng royal family kundi maging ng publiko.
    
Dahil kilala si Meghan sa kanyang humanitarian work, malamang na sundan nito ang mga pinagkaabalahan noon ng ina ni Prince Harry na si Princess Diana na sobrang malapit na sa mga tao dahil sa kanyang charitable activities nung ito’y nabubuhay pa.
    
Si Meghan  (36) ay three years older kay Prince Harry (33).