Nash inamin na ang relasyon kay Mika

October 28, 2018
Nash Aguas and Mika Dela Cruz
Nash Aguas and Mika Dela Cruz

AT the presscon of T-Rex Entertainment Productions’ upcoming horror-thriller-romance movie, “Class of 2018” directed by  Charliebebs Gohetia, inamin ng isa sa mga lead stars na si Nash Aguas na nag-level up umano siya bilang anak at kapatid nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang na sina Allan at Neth Aguas.

Naiwan sila ng kanyang nakababatang kapatid na si Chloe sa kalinga ng kanilang ina habang ang kanilang ama ay naka-base sa Amerika.  At a young age ay  natuto siyang magpahalaga ng kanyang oras at kinikita sa kanyang trabaho at umiwas siya sa gimik.  Naroon siya para suportahan ang kanyang ina at kapatid.  Natuto rin siyang mag-save kaya unti-unti siyang nakapag-invest.  He was able to buy a 400 sqm. lot in Tagaytay and a 2,000 sqm. lot in San Jose, Del Monte, Bulacan at nitong taon lang ay nakabili siya ng bahay sa Las Vegas, Nevada, his biggest investment, so far.  Nag-aaral din siya ng AB-Films sa Mint College in McKinley Hill, Taguig City dahil pangarap niyang maging director balang araw.

Sa aming tsikahan, inamin nito sa amin na bago pa lamang umano ang relasyon nila ng dati niyang kasamahan sa kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” na Kapuso actress na ngayon  na si Mika de la Cruz.  Officially ay naging mag-on umano sila last October 20 lang.

Ayon kay Nash, nasa “Goin’ Bulilit” pa lamang sila ay very close na umano siya kay Mika hanggang sa umabot sila sa youth-oriented TV series na “Luv U” na tumagal sa ere ng apat na taon mula 2012 hanggang 2016.

“There were times na binubuhat ko pa ang bag niya (Mika), ganoon ko na siya kagusto noon pa,” pag-amin ni Nash who was still in his teens noon.  Pero naputol umano ang kanilang ugnayan nang mag-desisyon si Mika na mag-sign up with GMA after 9 years with ABS-CBN nung November 8, 2016.

Ipinareha rin siya sa kapwa nilang kasamahan sa “Goin’ Bulilit” at “Luv U” na si Alexa Ilacad at ginawa silang love-team.  Hindi rin ikinaila ni Nash na nagkaroon umano sila ng mutual understanding ni Alexa lalupa’t nagging madalas ang kanilang pagsasama sa ilang TV  projects tulad ng “Bagito,” “Doble Kara” at “The Good Son”.   Pero dumating umano sa punto na iba na ang gustong tahakin ni Alexa at nagkaroon din  umano ito ng ibang set of friends

Nang magkaroon ng reunion ang mga taga-“Goin’ Bulilit” nung isang taon na ginanap sa bahay ng actor-director na si Edgar `Bobot’ Mortiz, dumating si Mika at muling na-rekindle ang kanilang pagiging magkaibigan. At doon niya sinimulang manligaw muli sa Kapuso teen actress.

“Isang taon din akong nanligaw sa kanya,” pag-amin ni Nash na halatang in love kay Mika.

Hindi naman issue kay Nash na nasa magkalabang TV network sila ni Mika ngayon. Si Mika ay nakababatang kapatid ng singer-actress na si Angelika de la Cruz.

Samantala, excited si Nash sa “Class of 2018” dahil parang reunion movie nila ito ng kanyang mga dating kasahaman sa “Goin’ Bulilit” na sina Sharlene San Pedro, Kristel Fulgar, CJ Navato at Kiray Celis.  Tampok din sa nasabing pelikula sina Yayo Aguila, Adrian Alandy, Dido de la Paz, Alex Medina, Sherry Lara, Michelle Vito, Ethan Salvador, Jomari Angeles, Kelvin Miranda, Nikki Gonzales, Lara Fortna, Aga Arceo, Shara Dizon, Hanna Francisco, Renshi de Guzman, Dylan Ray Talon, Micah Jackson, Judy Matthew Servilla, John Vic de Guzman, Yvette Sanchez, Jerom Canlas at Noubikko Ray.

Ang “Class of 2018” ay showing na sa mga sinehan nationwide simula sa November 7, 2018.