Napurnadang show nina Ogie at Regine matutuloy pa rin!

October 08, 2018
Regine Velasquez and Ogie Alcasid

HOPIA pa rin sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid na makakalipad sila this week para matuloy ang second leg ng concert nilang mag-asawa. Napurnada  ang scheduled concert nila last week sa Chumash at Morongo dahil hindi sila nakalipad dahil sa problemang hindi na nila idinitalye.

Pangako ni Ogie sa kanyang Instagram, ’yung hindi natuloy na concerts nila last week, eh, gagawin nila this week kung sakaling wala nang problemang dumating.

Ang pinakamasaya sa hindi pag-alis nina Reg at Ogie ay ang anak nilang si Nate ayon sa post ni Songbird sa IG niya. Nagkaroon naman ng time for bonding ang bata sa lola niya, ang mother ni Ogie.

Sa totoo lang, dalawa ang madalas na problema ng ilan nating arists na may concert sa abroad lalo na sa US.  Kawalan ng visa approval mula sa US Embassy at hindi nababayaran ang 75% sa contract price na napag-usapan  bago lumipad, huh!