Napuno!

October 28, 2018
Regine Velasquez Alcasid

Regine, idedemanda ang bashers

‘Dapat hindi na ito pinapalampas’

Napuno na si Asia’s Songbird at nag-react na sa mga pamba-bash na natatanggap niya simula nang umalis siya sa GMA-7 at bumalik sa ABS-CBN.

Ang masakit na mga komento ng isang may handle name na @ches-kaazurin ang tila nag-trigger kay Songbird para mapuno at finally ay sumagot na.

Ipinost ni Regine ang komento ng nasabing basher na ganito ang nakasaad: “yes focus kami sa mas bata na hindi balyena ang katawan and hindi basag na lata ang boses. Buti na lang walang acid reflux si golden.”

Sa caption, ani Regine, “my dear mag-ingat ka sa mga sinasabi mo.”

Actually, hindi lang ang nasabing komento ang mga ipinost ng netizen kungdi marami pa na bina-bash talaga nang husto si Songbird kaya naman di kataka-takang hindi na nakapagpigil ang singer.

Sa kanyang Twittter account sumagot nang sunod-sunod si Regine.

“Again WORDS ARE VERY POWERFUL. Hindi porket hindi ako nagsasalita eh ok lang na bastusin nyo ko. Hindi kayo ang iniwan ko!!!!!!” ang unang tweet ni Regine last Saturday night.

Sa mga sumunod niyang tweets ay nagpahaging na si Songbird ng pagdedemanda o paggawa ng aksyon laban sa cyber crime.

“Can someone enlighten me about cyber crime please. I think it’s about time we put these kind of people to jail. You think it’s only words that you don’t really hurt us well you’re wrong. #NoToCyberBullying.

“Dapat hindi na ito pinapalampas hindi natututo eh, sobra na. Can you imagine if this is our kids!!!! Oh my gosh!!!! Kung ako ang tanda ko naaapektuhan pano pa yung mga bata. Please someone help me with this.

“Just want to make this clear hindi ako pumapatol, I want to teach these people a lesson. #NoToCyber Bullying,” ang sunud-sunod na tweet ni Regine.

Kahapon ay may bagong tweet na naman si Songbird mukhang desidido talaga siya to take actions.

“Now guys bullying the bully is NOT the solution. But I am going to do something about this. So help me GOD,” tweet niya.

In fairness to Regine, grabe naman talaga ang mga pamba-bash sa kanya ng netizens and it’s about time na ipagtanggol niya ang sarili.