7,857

Napundi!

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 272

Aiko sa haters: Knock it off... get a life!

Tila napundi na si Aiko Melendez sa kanyang mga basher kaya nagtaray na rin at sinabihan ang mga hater to get a life.

Sa IG story ipinost ni Aiko ang kanyang rant.

Nilagyan pa niya ito ng hashtags na #ENOUGHOFBEINGTOONICE and #SORRYBUTNOTSORRY.

“Hinihintay n’yo talaga na magkamali ako and... my life will never be based on what you think is right for me… this is my life and my choices…

“Did it even affect your lives when I make mistakes? Hindi naman, dba… So knock it off guys… Get a life…

“I will not adjust to what you think is right for me… No one is perfect, whoever says they are, hypocrites kayo…

“It is never my nature to rant but when I’m pushed to the wall, I will also defend myself,” ang unang post ni Aiko.

Sa isa pang post, aniya ay buhay niya ito at sa Diyos lang siya may pananagutan.

“Again, this is my life!!! Sorry if you find my life too amusing or even an entertainment for some. Talk all you want, but at the end of the day, I am only accountable to God and Him alone… I rest my case,” Aiko wrote.

After a few hours ay nag-post naman si Aiko ng larawan nila ng boyfriend na si Subic Mayor Jay Khonghun at muli, sa caption ay nagpatama siya sa mga basher at troll.

“Date night :) It’s our choice to be together, whether you like it or not :) And we are not here to please anyone :) So eat your hearts out Trolls,” ang caption ni Aiko.

Lately nga kasi ay kontrobersyal ang aktres dahil sa mga intrigang lumalabas tungkol sa kanila ng boyfriend at naakusahan pang third party.

Pero kaagad namang dinepensahan ng mayor-BF si Aiko at nilinaw na hindi ang aktres ang dahilan ng hiwalayan nila ng kanyang ex-wife.