Napahiya

October 15, 2018
Piolo Pascual

Piolo sa basher: ‘Gago ka ba?’

Nag-agree ang followers ni Piolo Pascual sa reaction nitong “gago ka ba?!!!” sa netizen na nag-comment ng, “For sure boyfriend nya yan” na ang tinukoy ay ang kasama ni Piolo sa pinost na photo sa socmed na kanyang binati ni happy birthday. 

Napahiya ang netizen dahil kapatid ni Piolo ang kasama sa picture at ipinamukha ito sa kanya ng followers ng aktor.  Ang payo ni Piolo, “ingat din sa pag comment kung wala kang alam.” 

Dahil niresbakan ng fans ni Piolo ang netizen, nakiusap si Piolo ng, “hayaan nyo na... pakiusap lang... magpasintabi naman kayo... kasi pag walang alam, humanap ng pwedeng gawin na may kabuluhan...” 

In fairness, hindi dine-delete ni Piolo ang comment ng basher, nababasa pa rin sa Instagram (IG) niya, kaya patuloy na nababasa ang katangahan.