5,198 guests

Nangampanya

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 341

Marian, Maine, Anne, Kathryn at iba pang artista, nanghingi ng suporta para kay Rachel Peters

MARKADO ang petmalu na pagrampa ni Rachel Peters suot ang two-piece bikini sa preliminary activities
ng ongoing Miss Universe 2017 sa Las Vegas. May pa-slit effect naman siya sa suot niyang evening gown,
huh!

Sa post sa Instagram ni Rachel sa swimsuit event, “Tonight was sooo much fun! Shoutout to all
the Filipinos who were there for me tonight. I seriously felt the love and have been all week. Thank
you to all my kababayans around the world for your relentless support, votes and prayers! I appreciate
you all. Good night from LV. Excited for another beautiful day tomorrow. #phvegas.”
    
Nagsimula na ang botohan sa Miss Universe. Dalawang hashtags ang gamitin -- #MissUniverse
#Philippines.
    
Umarya na rin ang marami nating kababayan at mga artistang sumusuporta sa ating pambato. Ilan
sa kanila ay sina Marian Rivera, Vice Ganda, Anne Curtis, Kathryn Bernardo, Bela Padilla, Sofia
Andres, Bianca Gonzales, Pokwang at iba pa.
    
Pero kahit may instruction na ng tamang pag-tweet si Rachel, may mga kababayan pa rin tayong
nagkakamali, huh! Kaya hindi counted ’yon.
    
Nanawagan na rin si Maine Mendoza sa AlDub Nation na suportahan si Rachel.
    
“I believe in the power of AlDub Nation! Let’s continue to support our candidate for Miss
Universe 2017 by using the hashtag #MissUniverse #Philippines. Go Rachel!” tweet ng pangangampanya ni
Maine.
    
Sa gabi November 26 kokoronahan ang Miss Universe 2017 at mapapanood dito sa atin umaga ng
Lunes, November 27.

* * *

MAILAP man kay Kris Bernal ang best actress trophy,  malaking achievement na rin ’yung mapili siyang
isa sa inductees sa katatapos na Walk of Fame na ginanap sa Eastwood last Thursday.
    
Napili ring inductee sa project na ’yon ni Kuya Germs na ipinagpatuloy ng anak na si Federico
Moreno si Mother Lily Monteverde.
    
Kahit masama ang timpla ng katawan, dumalo pa rin ang Regal producer para tanggapin ang
kanyang plaque of recognition.
    
“Thank you for my star!” pagmamalaki ni Mother sa bagong parangal habang nasa stage.
    
Taas noo rin siya naglakad sa red carpet habang tuwang-tuwa naman ang anak na si Roselle sa
bagong achievement ng ina.
    
Bukod kina Mother at Kris, ilan pa sa mga pasok sa Walk of Fame sina Solenn Heussaff, Atom
Araullo, Jake Zyrus at binigyan din ng pagkilala ang yumaong aktres na si Isabel Granada na ang
recognition ay tinanggap ng ina na si Mommy Guapa.

* * *

MAGNININGNING ang Tomas Morato Extension na venue ng gaganapin LGBT Pride March sa Disyembre 9.         
Dubbed as Pride in QC: Safe and Free, magsasama-sama sa araw na to ang gay and straight
communities sa Metro Manila, non-profit organizations, LGBT service agencies, civic groups, LGBT
organizations, LGBT churches and individuals para ipakita ang suporta sa komunidad.
    
Project ng QC Pride Council ang event bilang commitment nila sa pagtibay ng karapatan ng lahat
ng Filipino kabilang ang lesbians, gays, bisexuals at transgender.
    
Sa presscon na ginanap sa Pork @Your Own Risk sa Dr. Lazcano, suportado ang proyekto ni QC
Mayor Herbert Bautista at Konsehal Mayen Juico.
    
Hapon sisimulan ang Gay Pride at sa gabi, isang malaking selebrasyon ang magaganap na merong
pagtatanghal ang iba’t ibang LGBT groups.
    
Sa mga gustong sumali sa parade, mag-register sa http:/bit.ly/2jb2Guh, bisitahin ang Facebook
page na www.facebook.com/qcpridemarch o magpadala ng direct message sa @qcpridemarch.