7,663

Nangabog!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 403

Kapansin-pansin na halos pare-pareho ang suot ng female celebrities na dumalo sa Mega Millennial Ball -- gown na kita ang lower part at ang lower part, parang bottom ng swimsuit dahil tipong “bare” ang concept ng okasyon.

Hindi namin alam ang tawag sa fashion style na ’yun, pero karamihan ay ganu’n ang suot ng kababaihan.

Naiba lang sa color, style at execution.

Nangabog sina Lovi Poe, Gabbi Garcia at Sanya Lopez sa Kapuso actresses.

Isa pang napansin sa suot ng mga babae, labas ang hita, kung ’di left side ay right side at naalala namin ang nakaraang Oscars sa America dahil halos ganu’ng style ang suot ng mga dumalo.

Anyway, kinabog lang ni Gabbi ang mga kasabay niyang dumalo sa Mega Millennial Ball, pinangatawanan niya ang pagiging fashionista sa kanyang suot na gown.

Parang twice siyang nagpalit ng gown dahil sa ibang pictures, black gown ang suot niya at sa ibang pictures, white gown naman.

Dumalo rin si Ruru Madrid sa event, nagkita sila ni Gabbi, pero baka hindi nagbatian.

Ganu’n daw ang drama ngayon ng former loveteam, dedmahan kahit magkita at hindi nagbabatian.

Lalo pang lalaki ang gap nina Ruru at Gabbi dahil sa mga gagawin nilang pelikula, iba ang kanilang makakasama.

Hindi pa kumpirmado ang leading lady ni Ruru, kaya hindi muna namin isinulat.

Si Gabbi naman, ang nali-link sa kanyang si Khalil Ramos daw ang makakapareha sa gagawing indie film.

* * *

Matutuwa ang fans nina James Reid at Nadine Lustre na hindi nakapanood nang unang gawin ang Revolution concert ng magdyowa noong February 9, pati mga nakapanood na dahil may repeat ito sa September 1 sa Smart Araneta Coliseum pa rin.

Wala pang inilabas na ibang detalye sa concert, pero siguradong the same team na humawak ng Revolution 1 pa rin ang hahawak mula kay Director Paul Basinillo hanggang dance director na si Teacher Georcelle.

Wala pang inilalabas ang Viva Live kung kailan magiging available ang tiket dahil pauunahin muna ang concert ni Anne Curtis na naka-schedule sa August 18.

Napansin lang namin na may ilang JaDine fans na may hinaing sa Viva Films. Bago raw ang concert, ilabas muna ang final gross ng Never Not Love You movie nina James at Nadine na matagal na nilang niri-request.

Gusto raw nilang malaman ang total gross para may naisasagot sila sa mga nagsasabing mahina ang pelikula.

Hinanapan din ng JaDine fans ng victory party ang Viva Films para sa NNLY. Bakit daw walang victory party at bakit walang daily update ng box-office gross unlike sa Sid & Aya (Not A Love Story) nina Dingdong Dantes at Anne Curtis na third day pa lang ng showing, may victory party na at daily ang update sa box-office gross.

Siguradong nakarating na sa mga taga-Viva Films ang hinaing ng JaDine fans at magagawan ng paraan para everybody happy.