6,497

Nakiusap

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 582
Erik, Martin, Regine & Ogie Erik, Martin, Regine & Ogie

Hindi nauubusan ng balita kay Kris Aquino dahil pagkatapos ng pagkikita nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa civil wedding ng yaya ni Bimby na si Raquel kay Junaries Confesor, may bago na naman siyang pasabog at ito’y ang pagsasama nila ni Judy Ann Santos sa isang endorsement.

Nag-shoot na ng TVC sina Judy Ann at Kris, pero hindi pa sinasabi kung anong product kaya kanya-kanyang hula ang nakabasa sa post ni Kris.

Sa post ni Kris the night before the TVC shoot, sabi niya, “Very excited to be shooting a TVC tomorrow for the 1st time ever w/ an actress i consider to be 1 of our country’s most talented. #grateful.”

Ang next post ni Kris ay photo nila ni Judy Ann at may caption na, “It’s such a wonderful feeling to still be excited about new experiences... it was fun to be nervous again because it made me realize there’s still so much i haven’t done & so much for me to look forward to. Thank you @officialjuday. Another in my career bucket list! #grateful.”

Sumagot si Judy Ann ng, “It was a happy shoot @krisaquino as always.”

Ang hintayin na lang natin ang airing ng TVC at doon malalaman kung anong product endorsement ito.

* * *

Nagsimula na ang rehearsal para sa #paMORE concert at sa photos na nakita namin, kasama ng musical directors na sina Louie Ocampo at Raul Mitra sina Martin Nievera, Erik Santos at Ogie Alcasid.
    
Sa isang picture, kasama ni Regine si Louie. Dalawa ang musical directors ng concert sa February 10 sa MOA Arena.
    
Ang Starmedia Entertainment ni Anna Puno at I-Music ni Cacai Mitra ang producers nito at sa presscon, napag-usapan ang hirap mag-produce ng concert ng local artists.
    
Ang pakiusap ni Cacai, ’wag tuluyang bitawan ng sponsors ang suporta sa concert producers dahil malaking tulong sila para patuloy silang magprodyus ng concert.
    
Kung sa ticket sales lang sila aasa, hindi sila makakapagprodyus ng magandang palabas with your favorite concert performers.
    
“Excited na kami sa concert at lahat ng combination, gagawin namin. Excited na kami sa songs na aming kakantahin and songs na kinalakihan ko. Ayaw kong piliting kantahin ang songs na ’di naman bagay sa akin at ’di bagay sa age ko. ’Yun lang appropriate sa boses at age ko,” wika ni Regine.
    
Bago ang #paMORE concert, mapapanood muna si Regine sa 3 Stars 1 Heart concert sa January 20 sa Waterfront Hotel kasama sina Julie Anne San Jose at Christian Bautista.
    
First leg lang ang concert sa Cebu, may mga susunod pa.
    
Si Regine rin ang host ng reality show ng GMA-7 na The Clash na sa June raw ang airing.
    
Ayaw pang ikuwento ni Regine ang concept, basta iba, kaya excited siya.

* * *

Masaya si Jameson Blake sa sunud-sunod niyang projects sa TV at pelikula at malaki ang pasasalamat sa Regal Entertainment at kina Mother Lily at Roselle Monteverde sa pelikulang ibinibigay sa kanya.
    
Si Jameson ang breadwinner sa kanyang pamilya mula nang maghiwalay ang mga magulang.
    
Pagkatapos ng Haunted Forest, kasama si Jameson sa cast ng Mama’s Girl, isang inspirational drama na tampok sina Sylvia Sanchez at Sofia Andres.
    
Si Jameson ang ka-love triangle nina Sofia at Diego Loyzaga. Sa direction ni Connie Macatuno, showing ang pelikula sa January 17.
    
Ang So Connected ang next movie ni Jameson sa Regal at dito pa lang magsisimula ang four-movie contract niya sa production outfit ni Mother Lily.
    
Hindi naman siguro aawayin ng fans nina Janella Salvador at Elmo Magalona si Jameson sa inaming crush niya si Janella at gusto niyang makapareha na natupad sa So Connected.

* * *

Ang guesting ni Alden Richards sa Roadtrip ang finale episode ng show bukas, January 14, dahil sa Jan. 21, airing na ng Sirkus.
    
Makakasama ni Alden sa guesting sina Sam YG, Tetay at Bea Binene. Kinunan ang episode sa Skyranch sa Tagaytay at Republic Waterpark sa Nuvali.
    
Controversial ang guesting ni Alden sa Roadtrip dahil bakit daw si Bea na naman ang kanyang kasama?         
    
Lagi na lang daw silang magkasama at may mga nagseselos nang fans at inisip na hindi na lang friendship ang meron sila.
    
Dahil dito, may nabasa kaming  ibu-boycott nila ang programa.
    
I-boycott din kaya ng selosang fans ang Eat Bulaga today? Guest kasi si Julie Anne na isa sa mga pinagseselosan ng fans at siya ang makakasama sa concert ng Broadway Boys.