Nakatutok

September 15, 2018

IBINAHAGI ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account ang Prayer for the Philippines para sa tinawag na super typhoon na Ompong na unang ibinahagi ni Christine Bersola-Babao.

Ngayong Sabado ang expected landfall ng Ompong sa bandang Northern Luzon kaya isa sa mga nagdarasal ang megastar na iligtas ang mga kababayan natin na maaaring maapektuhan ng bagyo.

Sa totoo lang, nakatutok ang lahat sa balita ng updates sa bagyo.  

Halos lahat na yata ng news reporters ay nakapalibot sa lugar na tatamaan ng bagyo, gaya ng Cagayan Region, Isabela, Ilocos Norte at Sur, La Union, Pangasinan hanggang Tarlac, huh!

Pero kung nagpamalas ng concern si Shawie sa Bagyong Ompong, dedma lang ang ilang celebs na walang pakialam kung manalanta sa ibang lugar sa bansa ang bagyo.