Naka-recover

October 08, 2018
Herbert Bautista and Kris Aquino

Herbert, napasugod sa bahay ni Kris.

Natuwa ang mga nagmamahal kay Kris Aquino nang makita ang bago nitong post sa Instagram (IG) dahil nagkalaman na siya at may glow na uli ang mukha. Halatang naka-recover na siya base sa kanyang itsura.

Siyempre, kinilig ang shippers nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista dahil for the longest time, ngayon lang uli nakitang magkasama ang dalawa.

Sa kanyang post, binanggit ni Kris kung bakit sila nagkasama ni Herbert.

“Admittedly in 2014 HAPPILY EVER AFTER wasn’t meant for us. BUT it wasn’t THE END. He’s been there whenever i needed a friend, hindi na ko nagulat -- nandito sya ngayon...

“Bakit sya? This is my WHY: nabasa nya mismo my long term endorsement contracts -- renewals plus 3 new ones. They all strongly discourage me from divisive political participation & even posts.

“He wants me to regain my health & he supports my priorities. Ako nang magsasabi, when we fought nasumbat ko na: naging  1st daughter & 1st sister na ko  -- di mo ba na appreciate na ikaw ang minahal & di yung posisyon mo?

“Binweltahan nya ko: kaya nga ang hirap mong makarelasyon kasi pinaghirapan ko ‘to tapos user ang ibabato sa kin?

“I chose to share this because our story has my perspective & his point of view. I’ve survived a lor recently & you deserve our TRUTH. (Pic from dinner w/ friends from US).”

Dinisable ni Kris ang comment box sa post niyang ito, kaya walang makapag-comment. Maganda ang ginawa niya kesa naman may mag-comment pero nega at mamba-bash lang.

Natanong si Kris kung nagkabalikan sila ni Herbert: “No need to ask kung  nagkabalikan, because if we did  --  I’d have requested him to do IG & FB Live because he’s the man and the confirmation of our relationship should come from him.”

Nalaman na nagpunta si Herbert sa bahay ni Kris at pagkatapos ng kwentuhan, nagkayayaang kumain. Sa isang restaurant sa Podium sila kumain.