5,902

Nairita!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 635

Kilalang artista na nagreyna-reynahan sa taping, tinalakan ni Dina!

... palabang aktres, takot magparetoke

IRITANG-IRITA si Dina Bonnevie sa mga baguhang artista na sa taping lang nagme-memorize ng script. Pati na ’yung kung makaasta ay sikat na sikat pero wala pa namang masyadong napapatunayan sa showbiz, huh!

Eh nang ipa-interview si Miss D ng manager niyang si Leo Dominguez kahapon, nag-flashback sa kanya kung paano niya tinalakan ang isang kilala nang artista dahil madalas daw silang paghintayin sa taping.

Kilala si Dina bilang taong prangka, hindi plastic at walang sinasanto kapag mali ang ginagawa ng isang artista.

“Not in this soap (Blood Sisters). Dati, talagang I gave her hell! Talagang sinabihan ko siyang, ‘Who do you think you are? Are you famous? Who are you? What name have you made? Have your carved your name in stone in show business?’
    
“Sabi ko sa kanya, hindi pa ipinapanganak ang babastos sa akin. If you want to continue in taping this soap like this, do it yourself!’ Eh, ’yung leading man ko doon, ‘Yeah, tell her! Grabe na siya!’ Hindi ko na ini-name names.
    
“Kung sikat siya ngayon? Sa tingin ko, hindi! Nandiyan lang siya. But she didn’t really make it that bigggg! Ay, kasi nga, attitude, eh. Grabe, parang ang feeling niya, siya na ang reyna sa taping.
    
“Pero lahat kami, kaming senior stars talagang pinaghihintay kami lagi. Aalis siya ’pag lunch time, babalik siya alas-tres na (ng hapon), basa-basa ang buhok. Parang, hello?! Kami, hintay nang hintay.
    
“Hanggang sabi na ng leading man ko, ‘Tell her na, Miss D. Let’s not allow her. I’m tired!’
    
“Pagdating na pagdating niya, sabi niya, ‘Where are you going, Tita?’ ‘I’m ready to leave. What do you think? We were born to wait for you? Excuse me? Who do you think you are? Are you somebody? Excuse me, you have to make a mark! Have you proven yourself at least in acting?’
    
“Wala naman siyang sagot. Isusumbong daw niya ako sa mommy niya. Sabi ko, sige, papuntahin mo rito. Mag-showdown kami ng nanay niya. Sa kakaganyan niya, naungusan pa siya ng isang supporting actress,”  chika pa ni Dina.
    
Ang kay Dina lang naman, “Marami na rin akong na-experience na may nagtu-throw ng tantrums sa set. Noong time kasi namin, behave kami.
    
“Ang sa akin lang, learn to love your craft and improve it,” katwiran niya.
    
Maging ang nagpaparetokeng artista, eh, ikinaloloka niya.
    
“Walang retoke nu’ng panahon namin. You have to be a true beauty to be a queen. Masakit ’yon! Pero bago nila pagandahin ang sarili, learn first how to improve your craft!” diin ni Miss Dina.
    
Personally daw, wala pa siyang ipinaretoke. Mine-maintain niya ang kanyang ganda sa non-invasive procedures dahil takot talaga siyang magpagalaw ng kahit na anong parte ng katawan o mukha niya.