8,193 guests

Nainggit!

  • Written by IAN F. FARIÑAS
  • Published in Showbiz
  • Read: 560

‘Pakimkim’ ni Binay kina Ai-Ai at Gerald, pinagnasaan ni Lolit

ALIW ang tsika ng talent manager na si Lolit Solis tungkol sa eksena nila ng dating vice president na
si Jojo Binay sa kasalang Ai-Ai de las Alas at Gerald Sibayan sa Christ the King Church sa
Greenmeadows, Quezon City, kahapon ng umaga.
    
Parehong tumayo bilang principal sponsors sina ’Nay Lolit at VP Binay. Nang matiyempuhan daw
ng talent manager ang pag-abot ng “pakimkim” ng huli sa ikinasal, bigla raw siyang kinapitan ng
inggit.
    
Dialogue niya, “Ang kapal ng sobre, ha! Dama ko P100,000 ’yon. Sabi ko nga, ‘Sir, sa akin n’yo
na lang ibigay ’yan, kasi marami nang kinita si Ai-Ai. Talagang sabi sa akin ni (VP) Binay, ‘’di mo
naman ako binoto, eh.’ Hahaha!”

Anyway, sa naglabasang pictures online, kitang-kita kung gaano ka-emosyonal sa labis na saya
si Ai-Ai, 53, sa pag-iisang dibdib nila ni Gerald, 24.
    
Sa Instagram post ng events stylist na si Teena Barretto, na-quote pa ang comedy concert queen
ng, “Sobrang saya ko. Kinakabahan ako ngayon, pero hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Pero
napakasaya ko” habang papasok ng simbahan.    
    
Ang gaan ng aura ni Ai-Ai, fresh sa napiling ayos ng buhok at make-up at nagmukhang bagets.
Napaka-elegante rin niyang tingnan sa bridal gown na iniregalo ng “kambal” niyang si Marian Rivera, na
tumayo namang veil sponsor katuwang ang asawang si Dingdong Dantes.    
    
Nakaw-eksena naman ang belo ng bride na sey ni Direk Louie Ignacio sa kanyang social media
posts, tatlong buwan niya binuno na pintahan.
    
Ayon sa reports, medyo late nagsimula ang bridal march sa awiting paborito ni Ai-Ai, ang
Ngayon at Kailanman, na kinanta nang live ng concert king na si Martin Nievera.
    
Pitong bishops at pito ring pari ang nagkasal kina Ai-Ai at Gerald, kabilang na si Archbishop
Teodoro Bacani.
    
Tumayong matron of honor si megastar Sharon Cuneta habang best man naman si Alden Richards.
    
Bukod kina Marian at Dingdong, ang mga nagsilbing secondary sponsors ay sina Vic Sotto at
Pauleen Luna, Randy Santiago at Marilou Coronel, Piolo Pascual, Pops Fernandez (na saktong birthday
kahapon), Eugene Domingo, Jose Manalo, Barbie Forteza, Valeen Montenegro at Jerald Napoles.
    
Kasama naman ni ’Nay Lolit na ninang sina Regal producer Mother Lily Monteverde (na ni-
represent ng anak na si Roselle), GMA exec Marivin Arayata at ang mga no-show sa simbahan na sina
Batangas Gov. Vilma Santos-Recto at Cristy Fermin.
    
Tumayo namang ninong sina Antonio “Tony” Tuviera (ng TAPE, Inc. at APT Entertainment), Senator
Richard Gordon at GMA big boss Atty. Felipe Gozon.
    
Siyempre, kasama rin sa listahan ang “ama” ni Ai-Ai na si Boy Abunda, pero gaya ng TV host-
comedian na si Willie Revillame, ’di rin ito nakasipot sa simbahan.
    
Kumpleto naman ang Sunday PinaSaya family ng komedyana, gayundin ang ilang mga naging
“kapamilya”  niya sa ABS-CBN 2.
    
Sa The Blue Leaf Events Pavilion ginawa ang wedding reception.