Nagpirmahan

September 25, 2018
Vic Sotto

Vic at Maine, may ‘forever’

NAGPIRMAHAN na ng kontrata sina Vic Sotto at Maine Mendoza bilang mag-ama. Eh sa bagong sitcom na Dad-dy’s Gurl, anak na naman ni Bossing ang Phenomenal Star na gi-nampanan na nila sa Kalye Ser-ye ng Eat Bulaga at festival movie na My Bebe Love.

“Sa father-daughter, may forever!” bulalas ni Bossing nang pasyalan ng press sa TV plug shoot ng sitcom kasama sina Wally Bayola at Oyo Sotto.

Ayon kay Bossing, magaling na komedyante si Meng kaya swak na swak siyang bigyan ng sitcom.

“From the very start na nakilala ko siya sa dubsmash, AlDub, makikita mo ’yung development niya. ’Yung pag-level up niya as an actress.

“Kasi dati, I must admit na she just work and she was there! Hindi niya feel eh. Hindi niya feel. Basta enjoy lang siya sa ginagawa niya. Pero nakita ko ’yung pag-progress niya as a performer!

“’Pag sinabing performer, kasama na lahat diyan, eh. Social media, telebisyon, pelikula, TVC, commercials, endorsements. Kasama na lahat ’yon.

“As a performer, nakita ko at naramdaman ko, namin, hindi lang ako na nabubuo na siya, nasa sistema na niya. Hindi lang basta, ‘Gagawin ko ito kasi pinapagawa, eh.’ Hindi. Gusto na niya ang ginagawa niya. Nakikita ko na enjoy siya.

“Even ’yung pelikulang ginagawa namin at magtatay uli kami! Ha! Ha! Ha!” saad niya.

Sinasadya ba na laging magtatay ang characters nila?

“Nagkakataon lang. Natataon lang kaya kinontrata ko na siya! Ha! Ha! Ha!” bulalas ng Comedy King.

Sa October mapapanood ang Daddy’s Gurl mula sa direksyon ni Chris Martinez.