Nagpa-release

September 18, 2018
Claudine Barretto

Claudine-Mark movie, naudlot 

Totoo ba ang tsikang nagpapa-release sa kontrata niya sa Viva Films si Claudine Barretto? Akala ba namin sisimulan na nito at ni Mark Anthony Fernandez ang pelikula nila na kukunan sa Georgia at si Sigrid Andrea Bernardo ang director.

Tapos lumabas ang balitang nagpapa-release na sa kanyang kontrata sa Viva Films si Claudine. Ang tanong, papayag ba ang Viva Films na i-release si Claudine? Paano si Mark Anthony? At least, hindi pa nasisimulan ang pelikula.

Binisita namin ang socmed account ni Claudine at ng Viva Films, wala kaming nabasa na may binanggit sila sa isyung pagpapa-release ni Claudine ng kontrata sa Viva Films. Kung totoo man, may malaking dahilan sigurado.

Tagged Under