Nagnakaw ng milyones ni Kris, kinasuhan sa pitong lungsod!

October 13, 2018
Kris Aquino
Kris Aquino

May bagong pasabog si Kris Aquino sa kanyang Instagram account. Sa kanyang latest post, sinabi niyang nagsampa na siya ng kasong qualified theft sa pitong cities.

“This morning, nagpunta po ako sa QC Office of the City Prosecutor para personal na sumpaan ang aking qualified theft complaint.

“Naghain din po para sa ’kin ang Fortun Narvasa ng parehong demanda in 6 other cities namely, San Juan, Mandaluyong, Pasig, Makati, Taguig, and Manila,” ang bungad ng post ni Kris.

Sinabi rin ni Kris na sinubukan daw nilang iayos ito amicably with the other party pero hindi ito nag-work out.

“I continue to have faith that the Philippines’ justice system will uphold the law with impartiality & fairness.

“My legal teams had met with his representatives in an attempt to settle amicably, but in straight forward language -- cumare bears sila.

“My family had advocated for peace BUT the other party failed to even meet us halfway and instead chose to spread malicious lies & falsehoods...

“I wanted to quietly put this painful chapter behind me... kilala n’yo na po ako -- hindi ako ang nagsisimula ng away, pero hindi po ako pinalaki para urungan ang pakikipaglaban para sa katotohanan. Sinimulan n’yo, kaya tatapusin ko,” pahayag pa ni Kris.

Up to now ay hindi pa rin pinapangalanan kung sino ba talaga ang taong nanloko sa kanya at nagnakaw ng milyong halaga sa kumpanya niya.

Pero may pangalang laging lumilitaw sa comments ng mga netizen at ang sagot lang ni Kris dito ay huwag daw mag-assume at maglagay ng pangalan.